Followers

Saturday, May 11, 2024

Ang Aking Journal -- Abril 2023

 Abril 1, 2023

Paggising ko, nakaalis na ang mag-isa ko. Wala silang naihandang almusal. Naunawaan ko naman kasi wala na yatang natirang budget. Hindi rin ako namili kagabi. Kaya, pagkatapos magdilig, nag-abang ako ng mga nagtitinda ng pagkain. Matagal-tagal din ako bago nakabili ng pandesal. Pero okey lang dahil nakapaglinis pa ako sa labas ng bakod.

Maghapon akong gumawa ng vlogs. Tatlo ang na-upload ko ngayon. Plus, may nasimulan pa ako. Double purpose iyon. Pang-journalism na, pang-YT pa.

Siyempre, nakapanood pa ako ng 'The Glory' at nakaidlip ako.

Gabi, bago dumating sina Emily, lumabas ako para bumili ng ulam. Sakto ang dating nila, maghahain na lang ako.


Abril 2, 2023

Hindi ako nakatulog nang up-to-sawa, pero okey lang kasi kailangan kong maglaba. At hayun nga, sinimulan ko kaagad. Natapos ako ng pasado alas-9.

Nalungkot ako kaninang unaga kasi pagbukas ko sa kulungan ng mga giant African land snail ko, kulang ng isa. Nawawala si Zippy. Hinanap ko siya sa halamanan, pero hindi ko siya nakita.

Pagkatapos maglaba, hinarap ko ang pag-voice over sa PPT ko sa pagsulat ng balita. Hindi ko natapos kasi maingay na. Napaos din ako.

Umidlip ako pagkatapos mananghalian. Kahit mainit, nakaidlip ako. Then, balik na naman sa paggawa.

Gabi, lumabas ako para magpa-GCash. Ipapadalhan ko si Hanna ng allowance niya. Babayaran ko rin ang Pagibig at Goodhands.

Pagkatapos magbayad, hinarap ko ang pag-ayos sa form ng financial assistance ng mga bata. Nang matapos ko, umakyat na ako para mamalantsa. Whew! Wala na akong time para sa sarili ko. Sabagay, masaya naman ako sa mga ginagawa ko. Isa pa, para sa sarili ko naman ang mga ito.


Abril 3, 2023

Sa kagustuhan kong hindi ma-late sa journalism training, inagahan ko ang pagbiyahe. Kaya, maaga talaga akong nakarating sa school. Naunahan ko pa si Ma'am Edith.

Nagturo ako ng sports writing sa mga trainees. First time kong ituro iyon. Dahil pinaghandaan ko, marami rin akong matutuhan. Sana lang, tumimo sa utak ng mga young journalists.

Hindi kami nagpalitan ng klase dahil inanunsiyo na walang F2F classes bukas dahil sa isasagawang misting and fogging. Gayunman, nagturo ako sa klase ko. Tinuruan ko silang sumulat ng balita.

After recess, pinanood ko na lang sila ng videos za Youtube. Hatun, solved ang isang araw. Parang Biyernes lang, lalo na't halos kalahati lang ang present.

After ng klase, pumunta kami nina Ma'am Joan, Ma'am Ivory, at Marekoy sa MOA para mag-dinner sa Giligan's. In-Indian kami ni Sir Hermie. Sumobra tuloy ang pagkain. Gayunman, nakapag-bonding kami. Worth it naman ang P306 na share ko..

Past 11 na ako nakauwi. Okey lang dahil online naman ang klase namin bukas.


Abril 4, 2023

Maaga akong bumangon para maghanda ng PPT. Nagawa ko naman agad, kaya nakagawa pa ako ng vlogs.

Successful din ang online class namin kahit 30 minutes lang ang cintact time per subject. Alam kong marami ang natuto sa Pang-angkop.

Pagkatapos ng period ko, umidlip ako. Past 3:30 na ako bumangon uli para gumawa ng vlog.

Ngayong araw, nakatatlong vlogs ako. Nakagawa pa ako ng ibang gawain. Nakapagdilig din ng mga halaman. At siyempre, nakapagsulat ng mga tula tungkol sa mga hayop at nakapag-illustrate ng ibon.

Thanks, God! Sana maharap ko naman ang entry ko sa manuscript submission sa Chikiting Books.


Abril 5, 2023

Past 7:30 na ako nagising. Ang sarap matulog! Kaya lang, napuyat ako kagabi. Sobrang init, kapag walang electric fan. Sobrang lamig naman, kapag mayroon.

Pag-alis ni Emily, umalis din ako para sana mag-withdraw. Kaso, para akong pinagoaruan ng mga ATM. Wala akong na-withdraw sa pinakamalapit, kaya pumunta ako sa Umboy, sa 7Eleven. Offline naman. Kaya, naglakad ako patungo sa city hall, kung saan may Landbank. Wala rin akong napala. Then, sa Puregold ako pumunta. Ganoon din. Umuwi akong waley! May nadaanan pa akong bangko, kaya nagbakasakali ako. Aguy, wala rin! Siguro nga, offline lahat ng ATM. Alangan namang na-hack ang account ko!?

Namili na lang ako ng pagkain-- mga biscuits, tinapay, at sweets para sa ilang araw na bakasyon.

Naghintay tuloy si Ion sa labas ng bahay kasi natagalan ako. Nasa akin ang susi. Nakita ko naman siyang bumaba sa tricycle. Halos magkasunuran lang kami. Hindi niya lang ako narinig.

Maghapon akong nanood ng movie. Pero, naisingit ko ang paghahanda ng entry para sa Chikiting Books. Nakapag-digital illustrate din ako bandang gabi. At nakapanood ng 'Batang Quiapo.'


Abril 6, 2023

Maunday Thursday ngayon. Maaga akong nagising. Okey lang kasi maaga namam akonh natulog kagabi.

Nag-illustrate ako pagkatapos mag-almusal. Nakatapos ako ng dalawang figures.

Hapon, after lunch, umidlip ako. Then, nanood ng movie. Then, sumulat ako ng tungkol sa memwa (memoir). Ginawan ko naman agad ito ng PPT at nilagyan ng voiceover. Alas-nuwebe ng gabi, uploaded na ito sa YT. Nanood naman ako ng movie--- pampaantok.


Abril 7, 2023

Good Friday ngayon. Good mood din akong gumising. Nag-FB muna ako sa higaan bago bumaba. Then, agad akong nag-start magsulat tungkol sa ugali at kilos ng mga pusa habang hinihintay kong magising ang mag-ina ko.

Maghapon akong nagsulat. Marami kasi pala talagang impormasyon tungkol sa pusa. Andami kong natutuhan.

Umidlip ako pagkatapos mag-lunch. Late na akong naligo. Naisingit ko naman ang panonood ng 'Island' sa pagitan ng paggawa ng PPT ng vlog ko tungkol sa pusa.

Hapon, nagdilig ako ng mga halaman at nagwalis sa bakuran at sa labas ng bakuran.

Bago ako umakyat, almost 50% done na ang PPT. Bukas, kung hindi maingay, magbo-voiceover ako ng vlog ko. Kailangang mai-upload ko agad ito bago mag-Linggo ng Pagkabuhay. Aalis kasi kaming mag-anak.


Abril 8, 2023

Sabado de Gloria.

Kababangon lang namin bandang past 8 nang dumating si Kuya Emer. Hindi pa nga kami nag-aalmusal. Hayun, sabay-sabay na kami.

May lakad sila kaya napag-isa at natahimik ako. Nakapag-voice over ako ng vlog ko. Naglinis din ako sa kuwarto ko. At dahil sila ang namalengke, ako naman ang nagluto.

After dinner, nag-stay ako sa kuwarto ko kahit mainit. Nanood ako ng movie.

Umalis uli ang mag-ina ako after magmeryenda kaya natahimik uli ang bahay. Nag-VO muna ako bago nagdilig.

Nag-aalala na ako kay Herming. Hindi pa siya umuuwi. Mahigit 24 hours na siyang wala. Pero, bandang 9 ng gabi, narinig ko ang ngiyaw niya. Gutom na gutom, kaya pinakain ko agad. Pagkatapos niyang kumain, nagpupumilit na namang lumabas. Grabe! Siguro, may asawa na sa labas.

Bago mag-9:30, naka-ready na kami para sa outing namin bukas sa Tanay.


Abril 9, 2023

Hindi naman ako masyadong excited sa outing sa Tanay, pero hindi ako nakatulog magdamag. Past 2:30, bumangon na lang ako at nagsimulang maghanda. Alas-3, ginising ko naman ang mag-ina ko. Wala pang 4, nakaalis na kami sa bahay. Past 6, nasa StarMall na kami kung saan naroon ang sakayan patungong Tanay. Past 7:30, nasa Tanay na kami. Dumaan muna kami sa simbahan. Then, naghanap ng makakainan. Sa dami ng aming pinuntahan, sa Jollibee ang bagsak namin.

Past 10, nasa Nature Escape Camp na kami. Unfortunately, naubusan kami ng cottage for overnight, kaya ni-refer kami sa bagong tayong camp. Hindi man ganoon kaganda at kasosyal, okey na rin kaysa wala.

Pagkalipas ng ilang minuto, naligo na kami sa ilog. Ang ganda ng ambience. Kaya pala dinarayo ng mga turista. Isa sa mga nagustuhan ko ay ang mga bata. Bilang suiseki enthuasiast, marami akong nagustuhan at kinuha para iuwi. Namulot din ako ng maliliit na driftwood.

Nakita ko sa mga mata ni Ion ang kasiyahan, gayundin kay Emily. Thanks, God, sa mga biyaya.

Past 2, umahon na kami sa tubig. Nakatulog kami sa tent kahit mainit. Temporary lang kami sa tent kasi paalis pa lang ang occupants sa inupahan naming kubo. Past 4 kami nakalipat.

Past 5, isinama kami ng may-ari patungo sa Tinipak Falls. Siya na ang nag-tour guide sa amin. Teacher din siya kaya naka-relate ako.

Sobrang ganda pinuntahan at dinaanan namin! Hindi man kami nakarating sa dulo dahil madilim na, worth it pa rin. Babalik-balikan talaga ang lugar na iyon.

Past 6:30, nakabalik na kami sa cottage. Agad akong nagluto ng Korean ramen na may sahog na leftover na chicken at porkchop. Wow, solb ang hapunan namin.

After dinner, naglakad-lakad kami. Ang ganda pa rin ng lugar kahit gabi na.


Abril 10, 2023

Nakatulog naman ako, pero hindi ko alam kung nakailang oras ako. Gayunman, ang mahalaga, nakatulog ako kahit paano. Past 6, gising na ako. Nakapag-FB ako kasi may ligaw na internet signal.

Ang ganda ng paligid paglabas ko. Kakaunti na ang taong nasa ilog. Ang tahimik! Ang sarap magkape habang pinakikinggan ang agos.

Pagkatapos naming mag-almusal, naglakad-lakad na kami sa kabatuhan nang paayon sa agos ng ilog. Kamangha-mangha talaga ang mga bato! Naiinis lang akong isipin na kakaunti lang ang puwede kong madala pauwi. Gayunman, dinamihan ko ang driftwoods. Mas magaan kasi iyon kumpara sa bato. Ang gaganda rin naman.

Naligo kami pagdating naman sa bahagi ng ilog na may mas magandang spot at wala halos tao. Nag-enjoy kaming tatlo. Nag-picture at video ako roon ng kung ano-ano-- bato, isda, suso, at iba pa. Nag-rock balancing din ako.

Past 9, umuwi na kami. Balak naming bumiyahe before 12.

Kumain lang kami ng brunch, then nagpahatid na kami sa tricycle driver na kakilala ng may-ari ng camp na tinuluyan namin.

Medyo traffic na kaya 4pm na kami nakauwi sa bahay. Tuwang-tuwa ako kahit antok at pagod kasi sulit ang gastos kong P7k sa mga suiseki stones at driftwoods kong dala, not to mention ang experience at ligayang naidulot sa mag-ina ko. Nabibili talaga ang kasiyahan.


Abril 11, 2023

Napanaginipan ko sina Delon at Kuya Bambi. Ano kaya ang mensahe ng Diyos?

Wala pang six, namulat na ako. Gustuhin ko mang matulog uli, hindi puwede. Back to work na! Tiyak na mahirap sumakay ngayon.

Pagkatapos mag-almusal, naghanda lang ako ng PPT. Kailangan kong magturo at bumalik sa dati kong sigasig at tiyaga.

Kahit 7:30 am pa ako nakaalis sa bahay, inabutan pa rin ako ng siyam-siyam sa biyahe. Ma-traffic. Mahaba ang pila sa sakayan. Mabuti na lang, past 10, nasa school na ako. Maraming young journalists na ang naroon para sa aming training. Naroon na rin si Ma'am Ivy.

Sa training, pinasulat ko sila ng balitang isports. Pagkatapos, nag-declare na ako ng mga pasok sa team. Binigyan ko naman ng pag-asa ang mga hindi napili. May radio broadcasting pa kaming bubuoin.

Walang palitan ng klase kasi may meeting ang mga GLs at MTs. Pagkatapos nila, ni-relay nila sa amin. Natagalan kami dahil excited kami sa last agendum--- ang educational field trip sa May 18.

Nagturo naman ako ng ESP pagkatapos ng recess. Ang activity naman nila ay umabot hanggang 6 pm. Sakto lang sa oras ng paglilinis.

Maaga akong nakauwi kaya napaghanda pa ako ng gagawin ng mga trainees sa journalism bukas. Nakapag-social media rin ako habang binabalikan ko ang mga pictures at videos sa Tanay. Nakakatuwa! Worth it!


Abril 12, 2023

Agad akong nagdilig ng mga halaman, pagkatapos kong mamalantsa. Palagi akong nagmamadali simula nang akuin ko ang trainorship ng collaborative publishing. Gusto ko naman itong gawin kaya hindi ako napapagod. Ang kaso lang, naisantabi ko ang iba kong gawin like digital illustration, content creation, reading, writing, movie marathon, writing group participation, etc.

Past 10, nasa school na ako. Kaunting hintay lang sa mga trainees, nagsimula na kami. Mas madali na ngayon ang training kasi eliminated na ang karamihan. Namili na lang kami ng 7 members sa team na iyon para ipanlaban sa Mayo 5.

Naging maayos naman ang unang araw ang training ng team. Absent nga lang ang isa. At wala pa kaming nakuhang photojournalist. Hindi sumipot ang nag-pledge.

Walang palitan ng klase kasi absent si Sir Joel. May meeting pa si Ma'am Joan. Si Sir Hermie lang ang lumipat ng mga klase.

Wala nang pormal ang klase. Bukod sa panay absent ng mga bata, maingay pa ang paligid at andaming reports na hinihingi sa mga guro.

Antok na antok ako nang nasa biyahe na ako pauwi. Ilang gabi na rin kasing kulang ang tulog ko. Kaya, nakalampas ako. Nakarating ako sa SM Tanza. Hayun, namili na lang ako ng juice at wafer sa Puregold Tanza. Nakabili rin ako ng saging na prinsesa sa labas ng grocery. Past 8:30 na ako nakauwi.

Bago ako natulog, nanood muna ako ng Batang Quiapo. Nakapag-post din ako sa Tiktok at Reels.


Abril 13, 2023

Past 6, gising na ako. Ang sarap sanang matulog kasi malamig ang panahon dahil umulan, kaya lang kailangan ko na namang pumasok nang maaga para sa journalism training. Inspired ako ngayon kaya wala akong negatibong kaisipan ukol dito. Masaya ako sa ginagawa ko.

Inspired din akong makipag-collab kay Mary Gonzales, co-member ko sa ITWNG 2023 para sa aming poem anthology project. Balagtasan ang aming gagawin. Pinag-usapan namin iyon. Nakagawa na rin ako ng mga linya ko, bago ako nakarating sa school bandang 10 am.

Wala pang yen-thirty, nag-start agad kami. May absent kaya medyo na-disappoint ako. Hindi tuloy kami nakatapos o nakapag-print, lalo na't mabagal mag-encode ang mga bata. Hindi rin gaanong gamay ng layout artist ang Publisher. Kay bagal! Walang naka-program na design sa isip niya.

Sa klase, nagturo ako ng debate. Pinanood ko muna sila ng mga YT videos. Then, pinasulat ko na sila, by group at individual. Wala pa ring palitan ng klase.

Before recess, pina-pull out ko layout artist para turuan ko pa. Natuwa ako kasi after kong ipakita sa kanita ang mga gusto kong design at layout o ang mga dapat at tamang diskarte, nasusunod naman niya agad. Kahit paano, may mai-prepresent na kami bukas.

Malakas ang ulan bago nag-uwian. Mukhang masususpende ang klase bukas dahil sa bagyong Amang. Basang-basa nga ang sapatos ko. Mabuti, Friday na bukas.

Sa biyahe mula PITX hanggang Umboy, sinikap kong hindi makatulog para hindi ako makalampas. Umidlip ako hanggang Kalayaan, pero gising na gising hanggang Umboy. Hayun, nakarating sa bahay nang mas maaga-aga.

Pagkatapos kumain, nadiskubre kong wala kuwarto ang charger ng laptop ko. Akala ko kanina sa school, naiwan ko kaya hindi ko hinanap sa ICT room at sa classroom. Na-stress tuloy ako. Hindi ko maalala kung saan ko naiwan. Nahiling ko na sana may pasok bukas para mahanap ko.


Abril 14, 2023

Dahil sa pagdalaw ng diarrhea, bandang alas-dos ng madaling araw, hindi agad ako nakatulog muli..siguro mga one and a half hours akong gising-- nag-iisip, nagpaplano. Gayunpaman, bumangon ako nang maaga at masaya. Umalis din ako sa bahay nang maaga at masaya.

Sa biyahe, sinubukang kong magsulat, pero walang pumasok na ideya. Umidlip na lang ako.

Ako lang mag-isang nag-handle sa mga trainees. Absent si Ma'am Ivory dahil masakit ang ulo niya. Okey lang naman. Kinaya ko. Hindi nga lang kami nakapag-print uli. Andami pa naming dapat i-provide, gaya ng memory card ng digicam, flash drive, card reader, printer, at iba pa. Bukod sa mga ito, may kakulangan pa sa mga bata. Hindi pa sila gaanong maalam sa kanilang pinasok na gawain.

Sa klase ko, nagturo ako ng Baybayin. Habang may activity sila, nag-train naman ako ng layouting at pagsulat ng balita. Nasa akin kasi ang limang pupils ni Ma'am Ivory. Dalawa roon ang kasali sa collab publishing.

Napaka-productive ng Friday ko. Nakakapagod pero masaya naman.

Nauna pa akong makauwi kay Emily. Kumakain ako nang dumating siya. Nakasimangot naman si Zillion kasi may field trip pala siya bukas. Nag-aalala.

Pagkatapos kong kumain at magkape, nanood ako ng mga latest episodes ng 'Batang Quiapo.' Amazing!


Abril 15, 2023

Pagkatapos kong mag-almusal, agad akong humarap sa laptop. Nag-post ako ng mga akdang naisulat ko. Then, hinarap ko ang paggawa ng TOS at test. Hindi ako na-inspire kaya nag-isip ako ng iba.

Ang paggawa ng vlog ang ginawa ko maghapon. Ginamit ko ang mga pictures at videos sa Tanay. Sobrang dami kaya hindi ko natapos. Kailangan ko pang lagyan ng VO. Okey lang naman kasi nasimulan ko na. Kapag maraming bakanteng oras, tatapusin ko, pati ang Pusa vlog.

Hindi ko na nga nahaharap ang digital illustration at pag-update ng Wattpad novel ko. Andami kong gustong gawin, pero hindi kaya ng oras.


Abril 16, 2023

Past 7, gising na ako dahil sa panaginip. Parang bangungot iyon. Ayaw kong maranasan ang gayon sa totoong buhay.

Nagsimula agad akong maglaba. Tambak ang labahan ko kasi halos dalawang linggo akong hindi nakapaglaba.

Habang naglalaba, naisingit ko ang gardening, gayundin ang paggawa ng learning material.

Past 11 na ako natapos. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng LM. Hapon, hindi ako umidlip. Hinarap ko ang paggawa ng vlog. Tinapos ko na lang ang nasimulan ko kahapon. Matagal lang ang pag-save. More than 30 minutes kasi ang video.

Habang nagsi-save, namalantsa ako ng mga uniform ko. Pang-one week na ang pinalantsa ko para hindi na ako nagmamadali sa umaga.


Abril 17, 2023

Parang hindi ako natulog. Bukod sa sibrang init, para pa akong nasa ilog--naghahanap ng bato. Suiseki pa rin ang nasa isip at panaginip ko. Parang totoo ang panaginip ko kaya feeling ko, wala akong pahinga at tulog.

Gayunman, bumangon ako nang maaga para magdilig. Kailangan ko ring maghanda upang makaalis nang maaga. Lunes ngayon, kaya tiyak na maraming pasahero.

Past 9:45, nasa school na ako. Past 10, nasa ICT room na kami ng mga trainees namin. Nakapasok na si Ma'am Ivory.

Bago kami matapos, pumunta roon si Ma'am. Nangumusta siya. Gusto niyang manalo ang team. Hindi ako na-pressure doon. Mas na-peessure ako nang sabihin niya sa akin na mag-oobserve bullkas ang Filipino supervisor. At ako ang isa sa i-oobserve.

Wrong timing! Kung kailan busy ako. At kung kailan sa Huwebes na ang periodic test. Wala pa nga akong test questionnaire. Aguy!

Nagturo ako sa Buko kahit walang palitan ng klase. At habang busy sila sa mga activities, nag-train ako sa dalawang journalists. Mahina pang magsulat ang news writer ko. Pero, mabilis na kahit paano ang layout artist.

Naguguluhan ako sa gagamitin kong objective sa observation. Hindi ko alam kung paano aatakehin ang lesson. Wala ako sa mood magpa-observe. Sana hindi matuloy. O sana hindi na ako mapuntahan.

Gayunman, gumawa pa rin ako ng material. Hindi ko nga lant nlllg natapos.

Past 8, nasa bahay na ako. Agad akong nag-dinner para makagawa ako ng test. Past 8:30, nai-send ko na sa GC ang soft copy.

Hindi na kinaya ng mga mata ko. Wala akong nagawa para sa paghahanda sa observation. Haist!


Abril 18, 2023

Maaga ulit akong pumasok. Hindi ako naghanda para sa observation daw. Pero nagdala ako ng isang bigbook at 3 small boooks. Kung dumating man ang visor, mag-storytelling na lang ako.

Maayos naman ang training namin. May printout na kami ng output ng mga trainees. Okay naman ang layout, pero hindi okay ang content. Marami pang dapat ituro.

Hindi dumating ang Filipino supervisor. Saved by the bell. Bukas, hindi na rin siya puwedeng mag-observe dahil simula na ng 3rd periodic test.

Antok na antok ako sa biyahe pauwi, kaya kahit gusto kong magsulat, hindi ko na nagawa. Pero pagdating sa bahay, nanood pa ako ng 'Batang Quiapo' pagkatapos kumain o bago natulog. Updated na ako sa episode.


Abril 19, 2023

Hindi ako gumising nang maaga dahil wala naman kaming journalism training ngayon. Gayunman, nagdilig ako ng mga halaman. Nagpalit din ako ng mga houseplants. Pinaarawan ko ang iba.

Past 8, umalis na ako sa bahay. Past 11 ako dumating sa school. Sakto lang. May time pa ako para mag-staple ng mga test papers.

Grabe ang init kanina! Nag-aircon na nga kami, mainit pa rin. Haist! Mabuti na lang, testing period namin. Walang palitan kaya nasa sariling classroom lang ako.

After class hour, pumunta kami ni Sir Hermie sa Cartimar. Nakabili uli ako ng betta fish worth P50 at water plant worth P20. Wala namang nabiling tricolor koi si Sir.


Abril 20, 2023

Past 5 am pa lang, gising na ako. Ewan ko ba sa mata ko! Hindi man lang matulog nang mahimbing. Kaya, nag-FB na lang ako hanggang lumiwanag. Pagkatapos, nagtabas ako ng mga halamang lumampas na sa pader. Since, interesado ang ilang puils ko na mag-alaga--in fact, humingi pa ang isa kahapon, kaya magdadala ng cuttings ng giant golden pothos.

Pagkatapos kong magdilig, ibinabad ko ang mga nakuha kong driftwoods sa Tanay. Mag-aaquascape ako kapag naiuwi ko na ang aquarium ko mula sa school.

Past 8:30, nasa PITX na ako. Nagsulat lang ako nang sandali roon.

Masyado akong napaaga sa pagpunta sa school, pero okay lang. Nasanay ako sa ilang linggong journalism training.

Sa klase, malala ang disiplina ng Buko. Maiingay sila kahit nagti-test. Tapos, may pumunta na namang parent--inirereklamo ang kaklase ng anak. Aguy! Istorbo sa oras ko.

At sa oras ng uwian, na-highblood ako sa ingay at kawalang-disiplina nila. Pinaulit-ulit ko ang pag-akyat-baba nila hanggang mapagod ako sa katitingin sa kanila. Pinabalik ko sa sila sa kuwarto at sinermunan. Pinaakyat ko rin ang mga sundo nilang parents at guardians. Naglabas ako ng sentiments. Sana matulungan nila ako sa pagdidisilpina sa kanilang anak.

After niyon, sumakit ang dibdib ko. Grabe talaga ang epekto ng galit sa kalusugan ng tao! Kailangang umiwas sa pagkagalit. Pero, hindi naman puwedeng ngumiti na lang kapag galit. Hindi naman ako autistic.

Masaya na rin ako nang nagkuwentuhan kaming Grade 4 teachers habang naghihintay ng oras ng uwian ng mga guro.

Sa biyahe, nagsulat ako ng part ko sa balagtasan namin ni Mary. Then, ng Wattpad update.

Sa bahay, agad akong nag-dinner. Then, nagkausap kami ni Aisha, Grade 5 pupils, tungkol sa feature writing. Humingi sa akin ng tulong ang lola niya na turuan ko ang apo niya. Hindi niya yata iyon gamay.

Then, bago ako natulog gumawa ako ng PPT para maituro ko sa kaniya, bukas.


Abril 21, 2023

Pagkatapos kong tanggalin sa pagkababad anb mga driftwoods na nakuha ko sa Tanay, nagkape na ako. Habang nagkakape, gumawa ako ng Reels mula sa video ng driftwoods.

Adik na ako sa Reels. Araw-araw akong nagpo-post. Minsan isa, dalawa, tatlo. Kailangan kong kumita mula rito.

Maaga rin akong nakaalis sa bahay para sa birthday treat ni Ma'am Divine sa Tramway.

Nagsulat muna alo sa PITX, pagkatapos kong bumili ng seconshand children's storybooks sa Biblio. Sampung items ang nabili ko, worth P280.

Ten-thirty, nasa Tramway na ak. Ako anh pinakauna. Sumunod si Ms. Krizzy., Kaya nakapagkuwentuhan pa kami, bago dumating si Papang. Hindi naman nagtagal, dumating na sina Ate Bel at ang mag-ina--Ma'am Divine at Randiv. Dumating din si Sir Archie, kasama ang inaanak ko. Nahuli naman si Ate Jing.

Sobrang busog pa nga ako nang lumabas kami bandang past 1 para magkape sa SB. Doon, kumain pa kami ng French fries.

Mabilis lang kami roon kasi kumukulit na ang baby ni Sir Archie. Muntik nang makabasag ng mga SB tumbler.

Umuwi na rin ako agad. Gusto ko sanang magpalamig pa sa PITX at magsulat, pero naisip ko ang mga dapat kong i-accomplish.

Sa Umboy, namili muna ako ng mga paninda sa Lunes. Mabuti bukas pa.

Sa bahay, agad kung nilinis ang aquarium. Then, nag-post ako ng mga Makata O. thoughts.

Ginabi na ako sa pag-aaquascape ng aquarium. Nahinto pa at naabutan ako ng mag-ina ko, na galing sa FVP office, na ka-Google Meet ang panlaban ng GES sa feature writing. Kulang na kulang kasi siya sa training kaya kailangang ihanda siya. Sana marami siuang natutuhan. Eight-thirty na kami natapos. Saka lamang ako nakakakain.

Almost ready na ang aquarium nang umakyat ako. Excited na akong ilipat doon si Philip.


Abril 22, 2023

Pagkatapos mag-almusal, nilinisan ko naman ang mga aquarium. Isinunod ko rin ang pag-set up niyon nakakatuwa ang resulta. Totoo ngang nakakawala ng stress kapag nakikita mo ang mga isdang lumalangoy-langoy.

Ngayong araw, bukod sa panonood ng movie, nakahawa ako ng vlog, mula sa kuwentong pambata ng ibang writer. Nai-post ko na rin ang vlog sa Tanay.


Abril 23, 2023

Hindi ako agad nakapaglaba kasi wala pang powder. Nang umalis si Emily para mag-First Vita plus, sinama niya si Ion para may magdala pauwi ng bibilhin niyang sabon. Late na rin ako natapos. Saka lamang ako nakapaghanda ng mga DLL at nakapagsinulang gumawa ng PPT.

Ngayong araw, sobrang init ng temperatura kaya hindi ako nakatulog. Nag-vlog na lang ako at nanood ng movie. Nakatatlong vlogs ako ngayong araw. Ang ikatlo ay nai-post ko bandang 9:30 ng gabi.


Abril 24, 2023

Kulang na naman ako sa tulog! Ang init kasi talaga. Hindi ako makagawa ng tuloy-tuloy na tulog.

At dahil Lunes, kinailangang umalis sa bahay nang maaga para hindi maipit sa traffic.

Sakto lang ang dating ko. Hindi ako late sa kainan. Nag-ambagan ang Faculty para sa birthday treat sa aming butihing principal. Hayun, masarap at masaya ang salusalo.

May pinahiram na bagong printer ang office para sa collab writing. Nakakatuwa ang suporta ni Ma'am Lea. Pero, nakaka-pressure. Alam kong umaasa siya ng panalo.

Nag-check lang kami ng mga papel maghapon. Medyo may inis pa rin ako sa Buko dahil sa nangyari noong Friday, kaya hindi ako masyadong nagsasalita.

Nag-groupings din kami. Apat na team na lang sa halip na walo. Sana this quarter, maayos at disiplinado na sila.


Abril 25, 2023

Nagplantsa muna ako ng uniporme bago bumaba para magdilig ng mga halaman. Nakapag-post na rin ako ng 'Word of the Day' sa ITWNG FB group at nakapag-post sa Reels bago ako nagkape at nag-almusal.

Wala pang 8:30, bihis na ako, pero hindi muna ako umalis sa bahay.

Sakto lang ang dating ko sa school. Nakasabay ako kina Ma'am Joan R at Ma'am Ivory sa pagpunta sa Tramway. May pa-birthday lunch si Ma'am Lea M. ngayon.

Eleven, nasa Tramway na kami. Kaming tatlo ang nauna roon. Hindi rin nagtagal, nagdatingan na rin ang ibang panghapon.

Busog na busog ako. Andami kong nakain. Iyon na yata ang pinakamarami kong kain sa tanang buhay ko.

Late kaming nakarating sa school. Mabuti, nakasabay ako sa motor ni Sir Hermie. Hindi na ako nahirapang maglakad.

Nagturo ako sa Buko para may pagkaabalahan sila habang may journalism training.

Bandang 4:30, dinalaw kami ng principal. Nagpatimpla siya ng juice para sa mga trainees at trainers. Nakakatuwa ang suporta niya. Sana tuloy-tuloy na.


Abril 26, 2023

Medyo napasarap ang tulog ko. Quarter to seven na ako nagising. Kaya nagmadali akong mamalantsa. Hindi na ako nakapagdilig ng mga halaman. Mabuti, hindi ako nahuli sa journalism training.

Hindi na kami sa ICT nag-train. Doon na lang sa remedial area kami pumuswesto since hindi naman na kami gagamit ng TV at printer doon.

Ipinagpatuloy namin ang training sa 3rd floor. Doon na rin kami nag-print.

Nakadalawang print kami ngayong araw. Not bad for beginners.

Nakauwi ako bandang 8:30. Gutom na gutom ako. Tapos, antagal pa akong mapagbuksan ng pinto.

After dinner, naghanda ako ng video para sa Health 4. Then, nag-send ako ng pictures ng mga diyaryo ng collab ko. Saka ako nag-video at nag-post sa Reels ng mga bettafish ko. Nagustuhan nga ni Classmate at Marekoy May. Humingi siya ng mga videos. Alam kong ipo-post din niya sa Reels, kaya binigyan ko siya. Sharing is caring.


Abril 27, 2023

Mga 5:30 am pa lang, bumangon na ako. Kailangan ko kasing mamalantsa, magdilig ng mga halaman, magpakain ng mga isda, at mag-post ng 'Word of the Day' sa ITWNG FB group.

Nagawa ko namang lahat nang mabilisan, pati ang pag-aalmusal at pagligo, kaya 7:30, nakaalis na ako bahay. Nakulit ko pa si Herming bago ako lumabas. Paalis din si Emily kaya mawawalan ng tao sa bahay.

Maghapon uli ang collab training namin. Gayunpaman, nagturo ako sa Buko. Maayos naman sila.

After class, niyaya ako ni Sir Hermie na pumunta sa Cartimar para bumili ng isda. Hindi naman siya nakabili. Ako, nakabili ng bettafish, na worth P100. Pinangalanan ko siyang Sandy.

Pagdating sa bahay, inayos ko pa ang fish bowl ni Sandy bago ako natulog.


Abril 28, 2023

Nakaalis na sina Emily at Ion nang bumangon ako. Nagdilig muna ako saka nagpalit ng tubig sa mga aquarium. Nagmamadali ako kasi may meeting kami sa journalism.

Past 10, nasa school na ako.

Okay naman ang meeting namin. Nag-orient lang sila tungkol sa opening at individual contests bukas. Kaming collab team, manonood lang ng program para ma-inspire ang mga journalists.

Past 12 na natapos, kaya sa taas na ako kumain. Nagpakopya muna ako habang kumakain. Then, nagturo ako ng mga uri ng tayutay. Pinasulat ko sila ng mga samples.

Maayos ang Buko kasi kakaunti lang sila. Hindi ako masyadong stress.

Sa Martes, balik sa Set B ang klase dahil sa taas ng temperatura. Bumabalik na rin ang virus. Kanina nga, wala pang 20 ang present sa klase ko.


Abril 29, 2023

Alas-3 ng madaling araw, gising na ako para maghanda sa pag-alis. Opening ng Division Young Writers and Conference Contests ngayon. Ang sarap sanang matulog.

Alas-4, naglalakad na ako patungong tricycle terminal. Naalala ko tuloy ang overnight outing naming tatlo sa Daraitan. Ganoong oras din kami umalis.

Past 6, nasa school na ako. May ilang estudyante na roon, lalo na ang collab team, kaya isinama ko sila sa classroom ko para makapag-print kami ng newspaper na gawa nila kahapon.

Sa silid, nagawa namin ang printing. Naturuan ko pa sila ng mga teknik sa troubleshooting. Nakapagkape rin ako't nakapag-almusal ng sapin-sapin, na bigay ng parent.

Past 7, halos kompleto na ang trainers at young journalists. Kulang naman sa collab ng dalawa---sina Jeus at Ivoh kaya nagpahuli na lang kami sa pagbiyahe patungong EDSES.

Doon, matagal kaming naghintay sa pagsisimula ng program. Almost 9 na iyon nagsimula. Ang tagal mag-talk ng keynote speaker. Nag-discuss pa. Ang init pa naman doon.

Successful naman ang opening program ng Pasay City Schools Press Conference and Contests. Maliit nga lang ang venue kaya ramdam ng lahat ng init at alinsangan. Mabuti na lang marami kaming trainers doon kaya-- habang naghihintay matapos ang mga writers, nagkukuwentuhan at nagtatawanan kami. Inabot nga lang kami ng halos alas-4 dahil sa photojourn. Ang tagal makatapos ng isang journalist. Pero sa palagay ko, natuwa ang collab team ko sa experience kahit hindi pa nila laban. Sana na-inspire sila.

Hinatid lang namin ni Sor Hermie ang mga laptop na ginamit sa layouting ng photojournalists, saka kami bumiyahe patungo sa bahay nila. Past 5:30 na kami nakarating. Antok na antok ako pero hindi ako nakatulog.

Andaming handa ni Sir Hermie sa post-birthday celebration niya. Nagpa-deliver lang sila. Siyempre, hindi mawawala ang alak. Alfonso Light ang pinabili ko.

Dumating sina Sir Vic at Sir Gilbert ng PVES after one hour. Dumating naman si Sir Joel G nang patapos na kaming kumain.

Then, nag-inuman at nag-karaoke na kami. Naging masaya naman iyon. Ala-una na kami natapos. Hindi ako masyadong nalasing.


Abril 30, 2023

Nag-diarrhea ako bandang 5 am. Sa dami siguro ng nakain ko maghapon.

Nakatulog naman uli ako hanggang 7 am. Kundi tumawag si Sir Hermie, hindi pa ako nagising.

Bago niya ako hinatid sa bahay, nag-almusal muna kami. Kaunti lang ang kinain ko kasi parang busog na busog pa ako.

Past 8, nasa bahay na ako. Hindi pa nag-aalmusal ang mag-ina ko.

Agad akong nagdilig ng mga halaman pag-alis ni Sir Hermie. Isinunod ko ang paglalaba.

Dahil umalis si Emily, natahinik ang bahay. Natulog ako pagkatapos maglaba. Twelve na ako bumangon para magsaing. At pagkatapos kumain, inantok naman ako. Hayun, pinagbigyan ko. Ang sarap matulog. Nakabawi ako sa ilang araw na puyat. Past 5 na ako nagmeryenda.

Past 6:3, dumating sina Emily ay Kuya Emer. Hindi pa nga ako tapos magkape. Alam kong pagod sila kaya ako na ang nagluto ng hapunan. May dala silang daing na isda at kalabasa, kaya ang mga iyon ang niluto ko.

Wala pa ako sa mood gumawa ng vlog, kaya nanood na lang muna ako sa YT at Myflixer pagkatapos maghapunan. Agad din naman akong inantok habang nanonood ng 'Hardy Boys' series.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...