Followers

Saturday, May 11, 2024

Next on Nixon (4)

Nakawalong bote na si Nixon kaya nagniningning na ang paningin niya. Gandang-ganda na siya sa mga GRO na panay ang pahiwatig na sila ay i-table. "Kaya mo pa ba, Sir?" tanong at pahimas-himas pa sa kaniya ng floor manager. "K-kaya pa... N-nasaan na... si Ligaya?" Pagkatapos ay sumubsob siya sa mesa, dahilan upang bahagyang maalog ang mga boteng nakapatong doon. Napangisi ang bakla. Sinenyasan nito ang dalawang bouncer na ipasok si Nixon sa kuwarto. Agad namang tumalima ang dalawa. "Michelle, ikaw na muna ang bahala sa mga customer," bilin ng floor manager sa matronang nasa counter. "Oh, fine, Mamah! Enjoy!" maarteng sagot ng matrona. "Teka..." Bumalik ang bakla. "Meron ka ba d'yan? Pautang nga muna." "Baklang 'to! Hi-hits muna bago tumira!" biro ng babae. At kumalkal ito s bag nito. "O, pasalamat ka, may isa pa. Bukas, ha, bayaran mo ako," sabay abot ng isang maliit na plastik ng puting pulbos. "Bruhang 'to, walang tiwala sa ganda ko! Hmp, d'yan ka na nga't kanina pa ako naglalaway. Baboosh!" pakembot-kembot na umalis ang beking floor manager. Ngiting-aso naman ang naiwang assistant. __________ Sa ilalim ng puting kumot, gumalaw ang munting hubad na katawan. Nagtalukbong ito. Maya-maya, nilitaw nito ang mukha. Ramdam niya ang hilo at sakit ng ulo dahil tila umiikot ang kaniyang paligid. Kaya, kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata. Inilibot sa buong kuwarto ang kaniyang paningin. Nasa isang maliit na puting kuwarto siya. May shower room sa bandang kanan. May side table at lamp shade sa kaliwang side. Sa kaniyang paanan naman ay tinutumbok ang pinto. Salamin naman ang nagsisilbing kisame. Kinusot-kusot ng bata ang kaniyang mga mata at muling tinitigan ang sarili mula sa repleksiyon ng salamin. Nakita niya ang maliit na mukha ng bata. Kapagdaka'y tinanggal niya ang kumot sa kaniyang katawan at tumambad sa kaniya ang maliliit na parte ng kaniyang katawan. "Ako ba 'to?" Tumayo na siya't tumungo sa shower. Doon ay nakita niya ang batang katauhan. "O, hindi! Ako si Nixon! Ako si Nixon!" Para siyang asong hindi maihi. "Anong nangyari sa'yo, Nixon?" Tiningnan niya muli ang kaniyang hubad na katawan pati na ang kaniyang ari. Totoo nga. Naging bata siya. Natataranta niyang tinakbo ang pinto at mali-mali niya itong ini-lock. Sunod ay tiningnan niya ang bawat sulok ng kuwarto kong may CCTV. Sinipat-sipat niya rin ang salamin kung meron. Wala. "Shit! Bakit ganito? Anong nangyari sa akin?!" Magkakahalong inis, lungkot, kaba, taranta at pagtataka ang nararamdaman ng bata. Napaupo siya sa dulo ng kama. Matagal siyang nablangko. Hindi niya alam ang kasagutan sa kaniyang katanungan. Ang tangi niyang alam ay uminom siya kagabi. Nang maisip niyang kailangan niyang makalabas doon, dali-dali niyang dinampot ang kaniyang pantalon at damit. "Damn!" Ibinagsak niya ang kaniyang mga kasuotan dahil malaki pala ang mga iyon para sa kaniyang katawan. Gusto na niyang umiyak na parang paslit, subalit naalala niyang hindi talaga siya isang bata. Ipinagpalagay na lang niyang isa lang iyong epekto ng kaniyang kalasingan. Ayaw niyang maging bata. Kumislap sa dulo ng kaniyang balintataw ang mga susing naka-hook sa sinturera ng kaniyang pantalon. Agad niya itong tinanggal sa pagkaka-hook. Dinampot niya na rin ang kaniyang t-shirt nang may determinasyon at direksiyon. Kailangan niyang harapin ang pagsubok na ito. Suot-suot niya ang malaking damit, ngunit walang underwear, sumungaw siya sa pintuan. Walang katao-tao sa pasilyo, kaya nagmamadali siyang lumabas. Sa bar, nakita niyang naglilinis ang janitor kaya tumiyempo siya upang tahimik na makalabas doon. "Hoy, bata! Sa'n ka galing!" sigaw ng janitor. Hawak na niya ng handle ng salaming pinto, kaya bago pa siya nito nalapitan ay nakatakbo na siya palayo. Sa isang nakaparadang trak siya nakapagkubli. Humahangos pa siyang sumisilip-silip kung nasundan siya o hindi. Mula naman doon ay nakikita niya ang kaniyang sasakyan. Matagal siyang naghintay bago siya lumantad. Nilapitan naman niya ang kotse. Nang ipapasok na niya ang susi, narinig niya ang pamilyar na boses ng bakla. Pagbaling niya sa may bar, nakita niya ang janitor at ang floor manager. Parang may sumabog sa kaniyang puso. "Hulihin mo, dali!" utos ng bakla sa janitor. "Magnanakaw 'yan!" Kumaripas ng takbo si Nixon. Nakalipat na siya ng kalsada, kaya hindi siya naabutan ng janitor. Isa pa, tila alangan itong habulin siya. Tumakbo lang nang tumakbo si Nixon hanggang sa makarating siya sa isang abandonadong gusali. Pumasok siya roon at nag-isip. Gusto niyang balikan ang mga nangyari kagabi dahil hindi siya puwedeng umuwi sa bahay nila hangga't hindi siya bumalik sa dating anyo, subalit bigo na naman siya. Nakatalungko siya sa kaniyang mga tuhod. Dumadaloy na ang mga luha niya. __________ Mahilab na ang kaniyang sikmura nang magising siya mula sa pagkakatalungko. Ngayon niya lamang iyon naramdaman. Sa buong buhay niya, masasarap na pagkain ang natitikman niya, ngunit ngayon kahit kaning bahaw at isang tuyo ay hindi niya hihindian. Hindi na niya naisip ang kaniyang tunay na katauhan at kalagayan. Ang tangi niyang hangad ay malamnan ang kumakalam na tiyan. Naisip niyang umuwi sa mansiyon ngunit tila suntok sa buwan kung iyon ang uunahin niya. Kaya minarapat niyang maglakad-lakad. Palinga-linga niyang binaybay ang kalsadang pabalik sa kanilang tahanan habang nagmamatyag ng mapapagkukunan ng pagkain. Nahihirapan siyang maglakad. Hindi sanay maglakad nang nakapaa, kaya animo'y hindi naman siya umuusad. Sa tindi ng uhaw, gutom at pagod, sa isang fast food chain, napahinto si Nixon. Hindi niya ugaling manghingi, pero sa pagkakataong iyon, inilahad niya ang kaniyang palad sa mag-asawang kumakain at nakapuwesto sa may salamin. Sa una ay hindi siya pinansin ng dalawa ngunit nang hindi siya umalis doon sa kaniyang kinatatayuan habang takam na takam sa pagkain, lumabas ang babae. "Bata, sa'yo na 'to." Ibinigay sa kaniya ang tirang fries. Nilantakan agad iyon ni Nixon. Pinagmasdan muna siya ng babae at bago pa ito nakapasok ay naubos na niya ito. Gutom pa rin siya. Hinaplos-haplos niya ang kaniyang tiyan at lalamunan habang mabagal na naglakad palayo sa mag-asawa, na kasalukuyang nakamasid pa rin sa kaniya. Gusto niyang mahiya sa sarili, pero hindi bale na. Siya lang naman ang nakakaalam ng kaniyang kalagayan. Naghintay siya ng lalabas na customer, lalo na ang may take-out upang mahingian niya ng pagkain. Nakawalong bote na si Nixon kaya nagniningning na ang paningin niya. Gandang-ganda na siya sa mga GRO na panay ang pahiwatig na sila ay i-table. "Kaya mo pa ba, Sir?" tanong at pahimas-himas pa sa kaniya ng floor manager. "K-kaya pa... N-nasaan na... si Ligaya?" Pagkatapos ay sumubsob siya sa mesa, dahilan upang bahagyang maalog ang mga boteng nakapatong doon. Napangisi ang bakla. Sinenyasan nito ang dalawang bouncer na ipasok si Nixon sa kuwarto. Agad namang tumalima ang dalawa. "Michelle, ikaw na muna ang bahala sa mga customer," bilin ng floor manager sa matronang nasa counter. "Oh, fine, Mamah! Enjoy!" maarteng sagot ng matrona. "Teka..." Bumalik ang bakla. "Meron ka ba d'yan? Pautang nga muna." "Baklang 'to! Hi-hits muna bago tumira!" biro ng babae. At kumalkal ito s bag nito. "O, pasalamat ka, may isa pa. Bukas, ha, bayaran mo ako," sabay abot ng isang maliit na plastik ng puting pulbos. "Bruhang 'to, walang tiwala sa ganda ko! Hmp, d'yan ka na nga't kanina pa ako naglalaway. Baboosh!" pakembot-kembot na umalis ang beking floor manager. Ngiting-aso naman ang naiwang assistant. __________ Sa ilalim ng puting kumot, gumalaw ang munting hubad na katawan. Nagtalukbong ito. Maya-maya, nilitaw nito ang mukha. Ramdam niya ang hilo at sakit ng ulo dahil tila umiikot ang kaniyang paligid. Kaya, kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata. Inilibot sa buong kuwarto ang kaniyang paningin. Nasa isang maliit na puting kuwarto siya. May shower room sa bandang kanan. May side table at lamp shade sa kaliwang side. Sa kaniyang paanan naman ay tinutumbok ang pinto. Salamin naman ang nagsisilbing kisame. Kinusot-kusot ng bata ang kaniyang mga mata at muling tinitigan ang sarili mula sa repleksiyon ng salamin. Nakita niya ang maliit na mukha ng bata. Kapagdaka'y tinanggal niya ang kumot sa kaniyang katawan at tumambad sa kaniya ang maliliit na parte ng kaniyang katawan. "Ako ba 'to?" Tumayo na siya't tumungo sa shower. Doon ay nakita niya ang batang katauhan. "O, hindi! Ako si Nixon! Ako si Nixon!" Para siyang asong hindi maihi. "Anong nangyari sa'yo, Nixon?" Tiningnan niya muli ang kaniyang hubad na katawan pati na ang kaniyang ari. Totoo nga. Naging bata siya. Natataranta niyang tinakbo ang pinto at mali-mali niya itong ini-lock. Sunod ay tiningnan niya ang bawat sulok ng kuwarto kong may CCTV. Sinipat-sipat niya rin ang salamin kung meron. Wala. "Shit! Bakit ganito? Anong nangyari sa akin?!" Magkakahalong inis, lungkot, kaba, taranta at pagtataka ang nararamdaman ng bata. Napaupo siya sa dulo ng kama. Matagal siyang nablangko. Hindi niya alam ang kasagutan sa kaniyang katanungan. Ang tangi niyang alam ay uminom siya kagabi. Nang maisip niyang kailangan niyang makalabas doon, dali-dali niyang dinampot ang kaniyang pantalon at damit. "Damn!" Ibinagsak niya ang kaniyang mga kasuotan dahil malaki pala ang mga iyon para sa kaniyang katawan. Gusto na niyang umiyak na parang paslit, subalit naalala niyang hindi talaga siya isang bata. Ipinagpalagay na lang niyang isa lang iyong epekto ng kaniyang kalasingan. Ayaw niyang maging bata. Kumislap sa dulo ng kaniyang balintataw ang mga susing naka-hook sa sinturera ng kaniyang pantalon. Agad niya itong tinanggal sa pagkaka-hook. Dinampot niya na rin ang kaniyang t-shirt nang may determinasyon at direksiyon. Kailangan niyang harapin ang pagsubok na ito. Suot-suot niya ang malaking damit, ngunit walang underwear, sumungaw siya sa pintuan. Walang katao-tao sa pasilyo, kaya nagmamadali siyang lumabas. Sa bar, nakita niyang naglilinis ang janitor kaya tumiyempo siya upang tahimik na makalabas doon. "Hoy, bata! Sa'n ka galing!" sigaw ng janitor. Hawak na niya ng handle ng salaming pinto, kaya bago pa siya nito nalapitan ay nakatakbo na siya palayo. Sa isang nakaparadang trak siya nakapagkubli. Humahangos pa siyang sumisilip-silip kung nasundan siya o hindi. Mula naman doon ay nakikita niya ang kaniyang sasakyan. Matagal siyang naghintay bago siya lumantad. Nilapitan naman niya ang kotse. Nang ipapasok na niya ang susi, narinig niya ang pamilyar na boses ng bakla. Pagbaling niya sa may bar, nakita niya ang janitor at ang floor manager. Parang may sumabog sa kaniyang puso. "Hulihin mo, dali!" utos ng bakla sa janitor. "Magnanakaw 'yan!" Kumaripas ng takbo si Nixon. Nakalipat na siya ng kalsada, kaya hindi siya naabutan ng janitor. Isa pa, tila alangan itong habulin siya. Tumakbo lang nang tumakbo si Nixon hanggang sa makarating siya sa isang abandonadong gusali. Pumasok siya roon at nag-isip. Gusto niyang balikan ang mga nangyari kagabi dahil hindi siya puwedeng umuwi sa bahay nila hangga't hindi siya bumalik sa dating anyo, subalit bigo na naman siya. Nakatalungko siya sa kaniyang mga tuhod. Dumadaloy na ang mga luha niya. __________ Mahilab na ang kaniyang sikmura nang magising siya mula sa pagkakatalungko. Ngayon niya lamang iyon naramdaman. Sa buong buhay niya, masasarap na pagkain ang natitikman niya, ngunit ngayon kahit kaning bahaw at isang tuyo ay hindi niya hihindian. Hindi na niya naisip ang kaniyang tunay na katauhan at kalagayan. Ang tangi niyang hangad ay malamnan ang kumakalam na tiyan. Naisip niyang umuwi sa mansiyon ngunit tila suntok sa buwan kung iyon ang uunahin niya. Kaya minarapat niyang maglakad-lakad. Palinga-linga niyang binaybay ang kalsadang pabalik sa kanilang tahanan habang nagmamatyag ng mapapagkukunan ng pagkain. Nahihirapan siyang maglakad. Hindi sanay maglakad nang nakapaa, kaya animo'y hindi naman siya umuusad. Sa tindi ng uhaw, gutom at pagod, sa isang fast food chain, napahinto si Nixon. Hindi niya ugaling manghingi, pero sa pagkakataong iyon, inilahad niya ang kaniyang palad sa mag-asawang kumakain at nakapuwesto sa may salamin. Sa una ay hindi siya pinansin ng dalawa ngunit nang hindi siya umalis doon sa kaniyang kinatatayuan habang takam na takam sa pagkain, lumabas ang babae. "Bata, sa'yo na 'to." Ibinigay sa kaniya ang tirang fries. Nilantakan agad iyon ni Nixon. Pinagmasdan muna siya ng babae at bago pa ito nakapasok ay naubos na niya ito. Gutom pa rin siya. Hinaplos-haplos niya ang kaniyang tiyan at lalamunan habang mabagal na naglakad palayo sa mag-asawa, na kasalukuyang nakamasid pa rin sa kaniya. Gusto niyang mahiya sa sarili, pero hindi bale na. Siya lang naman ang nakakaalam ng kaniyang kalagayan. Naghintay siya ng lalabas na customer, lalo na ang may take-out upang mahingian niya ng pagkain.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...