Followers
Sunday, August 31, 2014
Red Diary: Origami
True Conversation II
Red Diary: All of Me
Saturday, August 30, 2014
Hijo de Puta: Setenta y kuwatro
Hijo de Puta: Setenta y tres
Ice Bucket Challenge: Susubok ka ba?
Understanding the Teaching Profession
Red Diary: May Talent
Friday, August 29, 2014
Hijo de Puta: Setenta y dos
Red Diary: Papansin
Thursday, August 28, 2014
Red Diary: Ligalig
Nauna nga lang akong umalis ng bahay dahil maaga na naman ang training namin sa broadcasting.
Sa training namin, tinukso ako ng mga kasamahan ko kay Riz. Pati nga ang trainers namin ay nakikisali na rin. Bagay daw kami. Bakit daw nag-syota kami ng iba? Hindi naman kami parehong makasagot sa mga tanong nila. Panay lang ang ngiti namin.
Hindi na rin naman ako kinikilig kapag tinutukso kami. Last year pa kami tinutukso. Na-develop nga ako sa kanya. But this time, hindi na ako tinatalaban. Si Dindee na talaga ang nasa isip at puso ko. Tanggap ko na rin na si Leandro na ang masuwerteng nagmamay-ari sa kanya.
Naliligalig lang ako sa nalaman ko kahapon kay Roma. Sabi niya hindi naman daw talaga ng best friend niya si Leandro. Ginagamit niya lang daw siya para maipakita sa akin na hindi lang ako ang lalaki. Hindi ako nabigla dun. Mas nagulat ako nang gusto niyang tulungan ko si Riz na sirain ang relasyon ng dalawa dahil hindi mabuting kasintahan si Leandro. Masisira lang daw ang buhay at pag-aaral ng kanyang kaibigan kapag nagtagal sila.
Alam ko naman iyon. Nasa image naman ni Leandro ang pagiging manyakis, palikero at manloloko. Hindi nga si Riz karapat-dapat sa kanya.
Naligalig din ako kahit paano. Magkaibigan pa rin naman kami. Matagal na kaming magkaibigan. Marami din naman kaming pinagsamahan kaya ganun na lamang ang pagkaawa ko kay Riz.
Pag-uwi ko, ni-remind ko si Dindee na mahal ko siya at hindi ko siya lolokohin.
"Bakit ganyan ka ngayon, Red?"
"Bakit? Masama ba?"
"Hindi naman. Nanibago lang ako."
"Gusto ko lang malaman mo na..mahal na mahal kita.."
"Salamat.."
Wednesday, August 27, 2014
Red Diary: Kiss-pirin
Tuesday, August 26, 2014
Red Diary: Uber Ka!
Double Trouble 23
DENNIS' POV
Natakot ang utol ko sa panggigipit ko sa kaniya. Bigla kasi akong pinansin ni Krishna. Nag-hi ito sa akin kanina. Panay rin ang tanong sa akin ng tungkol sa lesson namin sa Math. Turuan ko raw ito minsan `pag may vacant period kami. Walang problema, sabi ko.
Alam ko namang nakikisakay lang siya. Hindi naman talaga niya ako gusto. Gayunpaman, type ko siya. Sisikapin kong baguhin ang pagtingin niya sa akin. Lalakasan ko na ang loob ko. Kaya, nang mag-uwian, ako mismo ang nagsabi sa kaniya na sasabay ako sa kaniya sa pag-uwi. Ihahatid ko siya. Hindi naman siya humindi. Si Denise naman ay nagkusa na. Mauuna na raw itong umuwi.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas na ng loob kong dumiga ngayon. Siguro nakatulong ang nalalaman ko tungkol sa sexual preference ni Denise. Kung hindi ko siguro nakumpirma, hindi pa rin ako marahil pinapansin ng ultimate crush ko. Malamang dedma ako lagi.
Suwerte ko dahil akin na ngayon si Krishna.
Hindi kami kaagad umuwi. Niyaya ko siyang magmeryenda sa paborito naming gotohan, malapit sa kalsada, kung saan kami sumasakay pauwi.
"Kris, paano ba ako magugustuhan ng isang katulad mo?" lakas-loob kong tanong sa kaniya.
Tumingin muna si Krishna sa akin. Medyo nangapa siya ng sasabihin. "H-hindi ko alam, Dennis."
"Ganito na lang... Bakit mo gusto ang kapatid ko?" Seryoso ako. Nataranta naman si Krishna. Hindi siya nakasagot at hindi rin makatingin sa akin. "Alam ko na ang lahat. Alam mo rin `yon. Kris, bakit hindi ako?"
"Dennis, nagkakamali ka..."
"Okay, sabihin na nating nagkakamali ako. Bakit `di mo masagot ang tanong ko sa `yo kanina?"
"Ano ba `yon?"
"Paano mo ako magugustuhan?"
"Gusto ko sa lalaki ang astigin. Ayaw ko ng malamya."
"Okey!'
"Nasagot ko na. Uwi na tayo... Ihahatid mo pa ba ako? O ako na lang uuwing mag-isa?" Tumayo na siya. Hindi na namin naubos ang goto.
"Ihahatid na kita."
Nagpara agad siya ng dyip. `Tapos, tahimik kaming bumiyahe hanggang makarating sa may lugar nila. Nagpasalamat lang siya sa akin at tumalikod na papasok sa bahay nila nang walang lingon-likod.
Tibok ng Puso (Dula)
Tibok ng Puso Mga Tauhan: *Lydia *Brad Tagpuan: * Sa isang pamantasan Eksena 1: Labas. Sa mapunong...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...