Followers

Friday, August 22, 2014

Red Diary: Makasarili

Kinausap ko si Daddy kanina habang nag-aalmusal kami. Kaharap namin si Dindee.

"Daddy, pupunta po dito si Mommy." Masaya kong binitiwan ang mga salita.

Napahinto sa pagnguya si Daddy. Then, nginuya muna nya ang pagkain sa bibig at nilunok, saka nagsalita. "Bakit?" Parang may inis sa tono niya.

"Wala po. Dadalaw lang po."

"Sigurado ka, dalaw lang? O siniset-up mo na naman kami?" Seryoso si Daddy.

Tumingin muna ako kay Dindee. Nakita kami ni Daddy na nagtinginan. "Pupunta lang po siya para.."

"Red, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na pwede?!"

"Dad, last na 'to.. Sana naman pagbigyan mo ako.."

"Excuse me po.." sabi Dindee. Tumayo siya at nagbanyo. Marahil ay ayaw niyang marinig ang umiinit naming usapan.

"Sige, Dindee.." tapos tumingin uli sa akin. "Ikaw, Red ha.. umiiral na naman 'yang kapilyuhan mo. Hindi na yan nakakatuwa."

"Sorry po, Dad, pero kailangan ko lang po talaga.." May pakiusap at pag-respeto pa rin sa tinig ko kahit naiinis na sa akin ang ama ko.

"Kailangan mo lang talaga? Ibig sabihin, ikaw lang ang maliligayahan? Paano ako? Paano naman ang kaligayahan ko?" Tatayo na si Daddy kahit hindi pa tapos. Naghugas siya ng kamay sa lalabo. Ako naman ay di umalis sa kinauupuan ko.

"Pare-pareho tayong maliligayahan. Tayong tatlo. Makasarili ka, Dad.." Tumayo na rin ako at pumasok sa kuwarto.

Maya-maya, narinig kong nag-usap sina Daddy ay Dindee. Hindi ko masydong maulinigan ang eksaktong usapan nila pero alam ko ako ang pinag-uusapan nila. Pinagtapat yata ni Dindee ang challenge niya sa akin.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...