Followers

Thursday, August 21, 2014

Red Diary: Apektado


Nagpapansin ako kay Mam Dina kanina para ipakita sa kanya na apologetic ako. Ang ginawa ko, panay ang recite ko sa lesson niya. Tapos nung recess, binigyan ko siya ng inumin at pagkain. Matabang ang ngiti at pasalamat niya sa akin. Ramdam ko pa rin ang kabiguan niya.

Nang makauwi ako, nag-confide ako kay Dindee. Hindi ko alam kong natuwa siya o nalungkot. Basta ang sabi niya, "Malulungkot talaga yun si Mam. Kahit ako kung ako siya." May nais siyang ipahiwatig.

"Ipaglalaban mo ba si Daddy kung ikaw si Mam?" Bigla kong naisipang itanong sa kanya. Naisip ko kasing naaawa siya kay Mam Dina.

Bigla siyang nagtaray. "Hay, naku, Mr. Red, bakit ba ganyan ka makatanong?! Wag mo akong isali sa ganyang sitwasyon! Pag ako nagmahal, isa lang. At gusto ko, ako lang din ang mahal."

Wala na akong nasabi, maliban sa "Okay!". 

Nakiusap ako sa kanya na bigyan niya ako ng chance na makausap si Daddy mamaya after dinner. Kaya, gusto ko na pumasok na siya sa kwarto para magkasarilinan kami ni Daddy. Pumayag naman siya. Good idea, daw.

Hindi naman nakipag-usap sa akin si Daddy. Pagod daw siya. Ang hula ko ka-text niya si Mam Valbuena. In-split-an na siya ni Mam, kaya mainit ang ulo niya. Naunawaan ko naman. Hindi ako nagpumilit kasi hindi pa niya ako nasinghalan sa buong buhay ko, baka ngayon pa lang, kung sakali.

Ang tantiya ko, mahal na rin ni Daddy si Mam. Pareho kasi silang malungkot. Apektado.

Nakakalungkot din..pero dapat akong maging masaya.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...