Followers

Thursday, August 14, 2014

Red Diary: Pakipot

Huwebes. Second day of periodic test. Second day na rin ng pang-aasar sa akin ng mga kumag.
Nahihiya pa rin si Riz. Hindi siya makatingin sa akin sa mata. Pero, nagtext siya sa akin. Nag-a-apologize. Okay lang, reply ko. Huwag na lang niyang uulitin, dagdag ko pa.
Hindi na siya sumagot pa. Gusto ko sanang payuhan siya na makipagkalas na kay Leandro dahil di sila bagay. Kaya lang, hindi ko iyon dapat pinakikialaman. Matalino naman siya at malaki na. Alam na niya ang tama at mali.
Nakisabay na ako kina Gio, Nico at Rafael sa pag-uwi. Kahit sa dyip ay inaasar nila ang panga ko. Ang ingay ng dalawa. Ako ang nahihiya sa mga kasakay namin.
Busy si Dindee sa report niya kaya di ko siya inistorbo. Naisipan kong maggitara na lang sa sala, habang patingin-tingin ako sa kanya. Nagpapakiramdaman kami. Shit! Ang lagkit niyang makatitig. Parang gusto ko na siyang yapusin..
"Hello? Is it me you're looking for?" binanatan ko ng ganyang kanta pagkatapos niya akong tingnan. Napangiti siya.
"Huwag mo nga akong pakiligin dyan..baka di ako makapag-report bukas.."
Nginitian ko na lang siya. Sabi ko na nga ba, may pagtingin din talaga sa akin.. Pakipot lang..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...