Followers

Thursday, August 21, 2014

My Wattpad Lover: Commute

Kahit pareho kaming busy ni Gelay sa aming studies at career, pinilit kong makipag-communicate sa kanya. One Sunday, after naming magsimba, nagpahatid ako kay Daddy para makipagkita kay Angela sa mall.

Sa bookstore kami nagkita. Bago pa ako nakalapit sa kanya, dinumog na ako ng mga avid fans ng Wattpad stories ko. 

"Si Zilyonaryo! Si Zilyonaryo!" sigaw ng mga babaeng fans na kapwa namin teenager. 

In-entertain ko sila. Nagpa-autograph at nagpa-picture sa akin. Pagkatapos niyon, saka lamang ako nag-excuse sa kanila para lapitan si Angela. 

Hindi pa rin umalis ang mga fans. Umalialigid sila sa amin, hanggang ma-identify nila si Gelay. 

"Girlfriend niya pala si IamGelay. Dali, papicture tayo." suggest naman ng isa.

Nginitian ko si Gelay at sinenyasan na pagbigyan namin ang mga fans. Kaya kahit naiirita, ngumiti siyang nagpakuha ng litrato. Tapos, siya na rin mismo ang nag-excuse sa fans. Lumayo na kami sa lugar na yun. 

Sa isang di-mataong food chain  ko dinala si Angela. Pinakalma ko muna siya bago ako umorder ng pagkain.

"Huwag ka na mainis. Fans natin sila. Ganun talaga. At least unti-unti na nila tayong naaapreciate. Ayaw mo ba nun?" magiliw kong sinabi kay Gelay.

"Hmp! Ngayon na nga lang uli tayo nagkasama, may mga asungot pa. Nakakainis pa, grabe makapilit sa'yo. Alam naman nila na bf kita tapos di sila magpakahinhin."

Nagseselos siya. Napangiti ako. "Oo nga. Na-over-whelmed lang sila."

"Over-whelmed!? Gusto mo naman?! Di ka artista, Zillion. Writer ka lang.."

Nainis akong bigla sa kanya. Wala ba akong karapatang hangaan kahit di ako artista?

Na-realize ko, may pangit din palang epekto ang pagseselos. Nakakapagpalabas ng tunay na anyo ng isang tao. Pumangit bigla ang tingin ko sa kasintahan ko nang sinabi niya yun. 


Nawalan na ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Tinapos lang namin ang pagkain namin at hinatid ko na siya sa sakayan. Pinag-commute ko na lang siya. Hindi ko na pinilit na ihatid siya. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...