Followers

Friday, August 29, 2014

Red Diary: Papansin

Broadcasting training uli. Kahit medyo ganun kahirap ang training, very good naman daw kami sabi ng mga trainers namin. Si Riz lang ang medyo sumablay.

Pinauwi kami ng maaga. Kaya, alas-tres ay nasa bahay na ako. At dahil wala pa naman si Dindee, umidlip muna ako sa kama niya. Madalas kung gawin iyon pero di naman siya nagagalit.

Akala ko ay gigisingin niya ako, pero hindi. Si Daddy pa nga ang dahilan kaya naalimpungatan ako. Sabi niya: “Nagtutulug-tulugan lang ‘yan!” Ang lakas ng boses niya. Pinaparinig talaga sa akin.

Hindi ako bumangon agad. Gusto kong kulitin si Dindee. Hindi naman lumapit sa akin. Nanunuod lang siya ng TV. Hindi ko nga rin pinansin. Si Daddy ang nilapitan ko.

“Bihis ka na muna, Red.” sabi niya sa akin.

“Maya na lang po, bago kumain. Parang gusto kong tulungan ka.”

Natawa si Daddy. “Kelan ka pa nahilig sa pagluto?”

“Ngayon lang po. Hindi kasi ako pinapansin ng iba dyan!” Nilakasaan ko din ang boses ko para marinig niya ako kahit malakas ang volume ng TV.

Narinig nga ako. “Hoy, wag mo akong paringgan.”

“Guilty?”

“Hindi, kaya!”

Nilapitan ko siya at hinarangan ang screen ng TV.

“Papansin..” sabi pa niya.

Nginitian ko lang siya ng napakatamis. Tapos, pinatay ko ang telebisyon.

“Bad ka!”

“Hello?!”

"Tse! Weird mo! Kagabi ka pa.."

Umupo ako sa tabi niya."I love you." Bulong ko. Kinindatan ko pa siya.

"Thank you!"

"Thank you lang?"

"Oo! Bakit? Anong gusto mo?"

"I love you, too!" sagot ko.

"Nik-nik mo! Nagawa mo na ba?"

"Hindi pa." 

Tawa na lang ako at kamot sa ulo. Wise si Dindee. Ayaw talaga magpadala sa cute-ness ko. Hindi nagpadala sa pagpapansin ko. Tindi! Hard to get talaga..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...