Followers

Saturday, August 23, 2014

Red Diary: DVD

Kahapon, pagkatapos kong mag-walk-out sa pagkain at kay Daddy, nakatulog ako sa kuwarto. Nakatulog ako sa pagtatampo at sa sama ng loob. Sobrang makasarili naman ni Daddy. Hindi na niya inisip ang kapakanan ko. Hindi na ramdam ang paghihirap kong malayo ako sa ina.

Pagbangon ko, areglado na ang tanghalian. Si Dindee ang nagyayaya sa akin na mananghalian. Tinawag niya na rin si Daddy, na kasalukuyang naglalaba. Mauna na raw kami kasi napasarap na siya sa paglalaba.

Nang kumakain na kami, nagbubulungan kami ni Dindee. Tama daw ang ginawa ko. Medyo epektibo daw. 

"Eh, bakit ayaw niyang makisabay sa atin? Galit yata, e."

"Hindi. E, di sana pinagalitan ka kanina pa, pagpasok mo pa lang sa kuwarto mo."

Napaisip ako. Pero, di pa rin nagsi-sink-in sa utak ko.

"Kain na. Huwag mo na isipin yun.. Ang mahalaga ay nasabi mo ang hinaing mo."

"Oo nga, e. 

"Saka malay natin, baka habang naglalaba siya ngayon ay nag-iisip-isip na siya."

"Sana.." Nagsimula na kaming kumain.

Ala-una na pumasok sa kusina si Daddy. Kami naman ni Dindee ay nanunuod ng telebisyon sa sala. Wala siyang imik na kumain.  Hindi naman siya nagdadabog.

Maya-maya, nagsalita siya. "Hindi pa kayo mamamasyal ngayon?"

Mabilis na sumagot si Dindee."Hindi po muna, Tito.."

"Ah..okay."

"May dala pala akong DVD dyan kahapon. Gusto niyo bang manuod?"

"Sige po, Tito. Pahiram po."

Tumayo si Daddy at kinuha sa kuwarto ang mga DVD. Si Dindee naman ang tumayo para abutin ang mga disc. Nagsalang na rin siya sa player. Nag-play siya ng comedy na Tagalog.

Sa sobrang nakakatawa ng pelikula, na-carried away ako. Lakas ng tawanan namin. Hindi ko namalayang nakikitawa na rin pala sa amin si Daddy. Naupo na rin siya sa harap namin.


At bago natapos ang palabas, bati na kami ni Daddy. Ganun lang.. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...