Followers

Sunday, August 24, 2014

Red Diary: Singit

“Payag na akong papuntahin mo dito si Mommy mo.” sabi ni Daddy habang naghahanda siya ng hapunan, Sabado ng gabi. Pagkatapos iyon ng pagmo-movie marathon namin.

"Yes! Sa wakas.." bulalas ni Dindee. Tila, nanalo ang favorite basketball team niyang Gilas Pilipinas.

"Thanks, Dad!" Tuwang-tuwa naman akong nagpasalamat. Then, lumapit ako sa kanya."Sorry po kagabi.."

Nginitian muna ako ni Daddy. "Wala 'yun, Nak. Tama ka naman, e. Kaya nga, naisip kong pumayag na. Ayokong nalulungkot ka, Red." Tapos, nginuso niya si Dindee, na agad namang bumawi ng tingin. "Gusto ko siya para sa'yo. Huwag mo ng pakawalan."

Tumawa ako ng bahagya bago sumagot. "Oo naman, Dad! Aasawahin ko na siya."

"Uy, loko 'to, ah." Dinuro pa ako ng kutsilyo ni Daddy pero alam kong nagbibiro. "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Yari ka kay Mommy mo.."

"Biro lang po 'yun, Dad. Kayo naman, di na mabiro."

"Linawin mo. Gusto kong makatapos ka muna at makapagtrabaho."

"Yes, Dad!" Tumalikod na ako nang pangit-ingiti.

Pag lapit ko kay Dindee, kinurot-kurot niya ako sa singit. Ano daw ang sabi ko? Narinig niya pala. Sabi pa niya, magmamadre na lang daw siya. 

"Bagay nga tayo."

"Bakit?"

"Kasi..magpapari din ako!" Bumulanghit pa ako ng tawa kaya lalong naasar si Dindee. Kinurot ako ng napakapino sa singit.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...