Followers

Tuesday, August 26, 2014

Red Diary: Inday at Dudung

Dahil pareho kaming walang pasok ni Dindee, nasolo namin ang bahay. Kinulit ko siya habang naglilinis siya ng kuwarto niya. 

"Yaya, kuha mo naman ako ng juice." sabi ko.

""Huy, Dung wag kang ambisyusu, draybir ka lang deto ni Ser. Hala sige, mamalingki ka na."

Tawa ako ng tawa. Ang galing niyang mag-Bisaya. "Bagay sa'yo. Para kang artista."

"Talaga! Artistahin ako."

"Oo, artistahin ang kutis at ganda mo, pero ang talent mo..pang-yaya. Ahahahaha!"

Napikon si Dindee. Hinampas ako sa paa ng tambo. Ang sakit. Kinantahan niya pa ako ng "Aringkingking".

Nang nakatayo na ako, hinabol ko siya. "Pag nahuli kita, iuumbog kita sa abs ko." biro ko pa.

Nagpa-ikot-ikot kami sa dining table. "Nik nik mo! Di mo ako mahuhuli. Abs mo, nasaan? Boom panes!" Nagbilat pa siya.

Ako yata ang napikon sa ginawa ko. He he. Kaya nang mapagod ako sa kakahabol sa kanya, bumagsak ako sa kama niya. Humihingal ako. 

"Hoy, Dudung, lomayu ka dyan sa kama ni Sinyura, madodomehan yan." Si Dindee. Pasilip niyang sinabi. Natatakot pa ring lumapit sa akin. Hindi ko siya pinansin. 

Akala niya, ayaw ko na makipagkulitan kaya lumapt siya sa akin at hinila ang kamay ko. Hinatak niya ako para ihulog sa kama. Pero, mas malakas ako. Nahatak ko siya palapit sa akin. Nasubsob siya sa dibdib ko. Nagkadikit ang mga katawan namin. Kinulong ko siya sa mga braso ko. "Ano ka ngayon, Inday?!" Tumawa ako na parang demonyo. "Mahal kita, Inday! Pagbigyan mo na ako."

"Wag po, Koya! Wag po." Naghuhulagpos kunwari siya, pero gustong-gusto namang iniipit ko."Pakawalan moko, Ser!"

"Sabihin mo munang mahal mo ako."

"Ayuku! hende kita mahal!"

Lalo ko siyang inipit sa braso ko. Tapos, inilalim ko siya. Ako na ang dumadagan sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Ah, ganun ba?!"

"Aray ko, Red! Ang bigat mo." Tinutulak niya ako.

"Mahal mo ako o hindi." Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya. Halos, magkadikit na ang mga labi namin. Isa pang tanong ay ididkit ko na.

Naghintay ako ng sagot habang nakatitig sa kanya.

"Oo na! Mahal na kita!" sabi niya sabay tinuhod niya ang bayag ko. 

Ouch! Sakit...

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...