Followers

Sunday, August 24, 2014

Red Diary: Awkward Moment

Maghapon kaming naglinis at nag-ayos ng bahay. Darating kasi si Mommy mga bandang hapon. Grabeng pawis ang tumagaktak sa akin, kahit kay Dindee. Mabuti na lang game siya. Hindi ko siya naringgan at nakitaan ng pagrereklamo. Panay nga ang pang-aasar niya. Excited daw akong masyado. Sabi pa niya: "Akala mo naman, sasagutin ko kaagad siya.."

"Ah, ganun, ha?!" Binitawan ko ang basahan na ipinampupunas ko sa bintana. "Ayoko na maglinis. Text ko na lang si Mommy na wag nang pumunta rito.."

"Uy, wag!" sawata niya. Seryoso. Akala niya seryoso ako. 

Ang dami kong tawa..

Alas-sais ng hapon, dumating na si Mommy. Nag-kiss kami ni Dindee sa kanya. Ang bango ni Mommy, plus, ang ganda. Pinaghandaan ang pagpasok sa Bahay ni Kuya, este sa bahay ni Daddy. PBB ang peg. 

Si Daddy naman ay kakalabas lang ng banyo. Nakatapis lang siya ng tuwalya nang harapin niya si Mommy. Nagkahiyaan ang dalawa. Pero, mas hiyang-hiya si Mommy nang magtagal ang tingin niya sa abs ni Daddy. Halos, matawa kami ni Dindee sa awkward moment ng dalawa. Nakakakilig. Para silang teenagers. PBBing-PBB ang dating.

Habang nagbibihis si Daddy, in-entertain naman namin si Mommy. Hindi ako nahirapang gawin iyon dahil kay Dindee. Close sila ni Mommy kaya effortless ako. Mas parang anak na nga yata ni Mommy si Dindee. Nakakaselos..

Pumasok na lang ako sa kuwarto namin. Nang-asar ako dun kay Daddy. Tinanong ko siya kung pwede ba silang magtabing matulog ni Mommy, tapos, tabi din kami ni Dindee.

Piningot ba naman ako. Sakit! 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...