Followers

Monday, August 25, 2014

Red Diary: Another Challenge

Nang umalis si Mommy kagabi, tila nalungkot ang buong bahay namin. Parang may biglang dumaang anghel. Natigilan kaming lahat. Si Dindee, nagkulong sa kuwarto. Si Daddy naman ay natulog na agad pagkahatid niya kay Mommy sa sakayan. Ako naman, na-boring sa pinapanuod ko sa TV.

Alam ko, gising pa si Dindee kaya kinatok ko siya. Pinagbuksan naman niya ako agad at pinapasok. Nag-usap kami ng marahan habang nakasandal kami pareho sa headboard ng kama niya.

"Nagawa mo naman ang challenge ko kaya lang hindi pa iyon garantiya para sagutin kita." sagot niya sa akin nang pinaalala ko sa kanya ang pangako niya.

Nalungkot ako. "Ganun ba? E, paano ang effort ko?"

"Bubuuin ko na sa 500 ang points mo. Over-all na yun, simula noong una pa."

"Okay na rin yun. Salamat!" Malungkot pa rin ako. Expected ko kasi na kami na pagkatapos kong mapagsama ang mga magulang ko.

Sabi niya, baka pinagbigyan lang din ako nina Mommy at Daddy para makuha ko ang 'oo' niya. Pangit daw iyon sa part niya. Gusto niyang makita ang totoong damdamin ng dating mag-asawa. Para daw sa kanya, masarap mahalin ang taong may pamilyang masaya.

May point naman siya. Kahit ako, gusto kong mahalin ang babaeng galing sa disente, maligaya at buong pamilya. Nauunawaan ko siya.

Another challenge na naman ito sa akin. Hindi ako titigil..di ako susuko. 

Pinayagan niya akong i-kiss siya nang mag-Good night ako. Sa cheek lang naman. Gusto ko nga sana sa lips. Kaso, baka bastedin ako, lalo.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...