Busy
Busy ako maghapon. Hindi na nga ako nakipagbiruan sa mga
kaklase ko. Kailangan ko na rin kasing magseryoso sa lessons. Medyo napabayaan
ko ng kaunti dahil sa pageant. Tapos, kailangan ko na ring bumuo ng programa
para sa SSG ko. Kaya, pinuntahan ko isa-isa ang classroom ng officers ko para
sabihing may meeting kami bukas. Makakarating dahil sila.
Sa bahay, nag-assignment muna ako kaya ngayon ko na lang
maitutuloy ang pagkukuwento.
Ethnic attire na.
Pulang bahag ang suot ko. Labas ang mga hita ko at dibdib
ko. Ang lakas ng hiyawan. Parang sinasabi nilang “Hindi sa’yo bagay maging Igorot,
Red! Mas bagay sa’yo maging strawberry.” He he
Magaganda din ang costume ng iba. Magagarbo naman ang suot
ng mga babae. Pero, satisfied na ako sa
suot ko. Simple pero, nadala ko kasi umakto ako na parang nangangaso.
Next is Talent
Portion.
May sumayaw. May nag-declaim. May nag-rap. May kumanta. Kumanta
rin ako. Pero, ibang klase dahil tatlong kanta. “I Treasure You’ ang una kong
kinanta. Sumunod ang composition ko. Kumanta pa ako ng isa sa panghuli. Pero,
hindi ko binuong kinanta ang una at huli. Chorus lang. Napakilig ko yata sila sa kanta, lalo nan g
dinedicate ko ang original composition ko sa isang babae. Sabi ko: “ This original
song of mine is dedicated to my inspiration. You know who you are. She’s in the
audience right now. It’s for you..” Then tumugtog na ako kahit lumakas ang
hiyawan at kiligan. Nagtinginan sila na tila nagtatanong kung sino ang
tinutukoy ko.
Bukas naman ang iba. Magba-bonding pa kasi kami ni Dindee sa
laptop niya. Sabay kaming magpi-Facebook. Gigitarahan ko rin siya ng composition
ko bago kami matulog.
No comments:
Post a Comment