Followers

Saturday, August 23, 2014

Hijo de Puta: Sisenta y Nuwebe

Naging aloof ako kay Lianne. Pakiramdam ko ay ang dumi ko. Nahihiya ako sa sarili ko. Tulo pa lang ang dumapo sa akin. Paano na kaya kung HIV na o kaya AIDS? Ayokong mamatay gaya kung paano namatay si Mommy. Nakakahiya.

Para makalayo ako sa paningin ni Lianne, umalis ako ng bahay nang mas maaga pa sa kanya. Tumungo ako sa Axis para alamin ang standing ng application ko. 

Malas! Wala pang magandang balita. Hintay-hintay pa rin daw ako. Uunahin daw nila ang mga unang aplikante. 

Naglakad-lakad na lang ako. Walang direksiyon. Pero, hinatak ako ng mga paa ko sa Cherry Blossoms, na dating club ni Lianne. Nilapitan ko ang guard para magtanong. Nakalabas na ang cellphone ko upang ipakita sa kanya ang picture ni Lianne.

"Boss, dito pa ba nagtratrabaho ito?" tanong ko.

Tiningnan niya ang larawan. "Ah, si Pink Caress!?"

"Oo, siya nga po! Customer niya ako dati. Dito pa rin ba siya sumasayaw?" Alam ko naman na hindi na siya nagsasayaw. May gusto lang akong malaman.

"Hindi na. Matagal-tagal na. Hina-hunting nga ni Boss yan, eh! Breach of contract."

Nagulat ako sa nalaman ko. Breach of contract. Ibig sabihin, hindi niya tinapos ang kontrata. Kaya pala, bigla-biglang lumipat sa akin. Nagtatago pala. 

"E, bakit hinahanap mo? Saka, bakit may picture ka niya. Magkakilala kayo?"

"Kaya nga po hinahanap ko kasi type ko siyang asawahin. E, sabi niyo hina-hunting niyo. Hina-hunting ko rin siya. Sige po. Salamat na lang." Nagdesisyon akong umalis na baka makatunog pa ang sikyu.

Wala na si Lianne nang nakauwi ako. Nasa ospital na malamang. Nagdyu-duty na. 


Internship niya sa isang pampublikong ospital kaya malimit na kaming magkasama, pero mamayang gabi ay unang gabi ko siyang makakasama. Salamat na lang sa tulo ko dahil makakasama ko siya magdamag.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...