Followers

Wednesday, August 6, 2014

Online Ka? Pakinabangan Mo..


         OL ka lagi. Hindi buo ang araw mo kapag hindi ka makapag-online o makapag-internet. Parang tatamaan ka ng Ebola virus kapag hindi mo ito nagawa sa buong maghapon.

          Online ka nga..nakinabang ka ba? Hindi ba sumakit lang ang mata mo at ang mga daliri mo? Sayang di ba? Sayang ang oras at pera. Lalo tuloy yumaman si Zucherberg o ang mga internet provider, gaya ng Smart, Globe, Sun at iba pa. Hindi ba dapat ikaw ang higit na nakikinabang dahil ikaw ang nagbabayad? Tsk tsk..

          Bakit hindi ka mag-Google? Magbasa ka ng mga artikulo na kapupulutan mo ng aral. Anumang tanong mo ay masasagot niya, sa iilang pindot. O, hindi ba, malaking ganansiya kung ang pagharap mo sa monitor ay may natutunan ka? Hindi ang puro laro, chat, like at comment ang ginagawa mo. Hindi masyadong makabuluhan. Nasasayang ang bawat segundo o sentimos mo na ginugugol mo sa mga di-gaanong mahahalagang gawain sa internet.

          Ang utak ay parang memory card o flash card. Pwede mong imbakan ng mga mahahalagang files. Huwag virus ang ilagay mo! Kasi hindi lang computer mo ang masisira, pati ang card mo at ang sa iba. Makakahawa ka.

          Ang internet ay ay parang kaibigan. Masama siya kung pakikitaan mo siya ng masama. Mabuti siyang kaibigan sa mabuti ring kaibigan. Sa madaling sabi, gamitin ito ng tama para hindi kasamaan ang idulot nito sa iyong sarili at sa kapwa.

          Napakarami ngang paraan para maging mabuting kaibigan ang internet. Kung OL ka lagi, wala namang masama. Ang masama ay kapag hinaluan mo ng kabulastugan at kapag ginawa mo lang pampalipas oras ang pagpindot sa mga letra sa keyboard. Ang pinakamasama ay kung nganga ka pa rin sa klase kahit madalas kang online.

          Kung hilig mo ang pagsulat, i-follow mo ang mga writers at bloggers sa Facebook. Kahit paano ay may matutunan ka sa kanilang mga posts. Better yet, mag-Wattpad ka.Magbasa ka doon at magsulat. Magsimula kang mag-blog. Heto ang mga sites: blogger.com at wordpress.com. Malay mo, maging sikat kang manunulat at makapag-publish ka ng  sarili mong libro. Simulan mo na, habang bata ka pa at hindi pa malabo ang iyong mga mata.

          Kung ang hilig mo naman ang photography, join ka sa mga photography clubs, kung saan maaari kang mag-post ng sarili mong mga shots. May mga pa-contest din sila. Nakakakapag-share ka na, natututo ka pa. Huwag puro selfie. Try mo naman ang macro, still life, portrait o street photography. Amazing ‘to!

          Marami ka pang maaaring salihang club, group o organization sa Facebook. Kung ano ang talent o hobby mo, name it and you’ll get it. Makipagkaibigan ka sa mga talented. Huwag sa mga OL lang ang alam at gusto. Dota? Walang silbi yan! Walang kompanya na magbibigay sa’yo ng trabaho kahit professional Dota player ka pa..

          Ngayong OL ka pa rin, may pakinabang na ba? Pakinabangan mo..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...