Kurot at Hampas
Si Dindee ang gumising sa akin. Alas-nuwebe na yata yun. Niyugyog-yugyog niya ako hanggang sa matuwa ako sa kanya. Kaya, nakatikim siya ng malutong na halik sa akin.
"Pumupuro ka na, Redondo, ha! Hindi porket Mr. Campus Personality 2014 ka na, may karapatan ka ng manghalik kahit kelan mo gusto.." Pinipilit niyang hindin tumawa. Pero, deep inside, trip niya..
"Opo, Ms. Aklan!" Tumawa ako at tumakbo palabas. Hinabol naman niya ako. Nabangga niya pa si Daddy.
"Sorry po, Tito, Kulit po kasi ni Red."
Ngumiti lang si Daddy..at tiningnan niya ako. Parang sinasabing 'Ipagpatuloy mo 'yan, anak.."
"Bilisan mo na, mag-almusal ka na. Mainit na, o." Si Dindee uli. Nakatiklop ang mga kamay sa dibdib.
"Nagmamadali ka? May lakad ba tayo?"
"Opo.. Magpapasama ako sa'yo sa mall. May bibilhin ako. Bilis na."
Binilisan ko nga.
Kumain. Nag-toothbrush. Naligo. Nagbihis. Umalis na kami.
Nakipagkuwentahan lang siya sa akin. Nakasandal kami sa wall ng boutique na under renovation kung saan kokonti ang mga dumaraan.
Magkatabi kami. Sumandal siya sa balikat ko. At kinuha niya ang kamay ko. Naghawak-kamay kami. Sweet..
"Alam mo, Red? Naiinis ako sa'yo kagabi.."
"Bakit?"
"Kasi pinagtitilian ka ng mga bading at babae. Pati yata mga lalaki ay nabakla sa'yo.."
"E, contest yun, e.. kailangang galinga, para manalo.."
"Oo nga.. E, binilad mo naman ang katawan mo.."
Tiningnan ko siya. Natatawa ako. "Bakit nakuha ba nila?"
"Hindi.. pero, marami na agad ang nagnanasa sa'yo.."
"Weeh. Pano mo naman nalaman?"
"Nasa audience kaya ako.. Naririnig ko.."
"Hayaan mo sila.."
"Nainis lang ako kasi.. ayoko ng ganun.."
Tumawa na ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Nagseselos.. " Kinurot niya ako ng napakapino. Pinaghahampas pa. Ang sakit na nga ng kurot niya, ang lakas pa ng hampas. He he. Ang tindi magselos..
No comments:
Post a Comment