Followers

Saturday, August 23, 2014

Hijo de Puta: Sisenta y Sais

Madilim pa nang makauwi ako sa bahay. Dahan-dahan akong pumasok para di ko maistorbo ang tulog ni Lianne. Hindi na rin ako nagsindi ng ilaw. Tanging cellphone light lang ang ginamit ko.
Sobra na ang pagod at antok ko kaya, di na ako naligo. Nahubad na lang ako ng pantalon at damit. Nag-boxer lang ako. 
Hihiga na sana ako sa sofa nang maisipan kong tingnan si Lianne sa kama. Inilawan ko ang kanyang paa. Hindi siya nakakumot. Nakalilis pa ang suot niyang puting shorts kaya lumitaw ang kanyang makikinis at mapuputing binti.
May kung anong bagay ang tumusok sa aking boxer shorts, lalo na nang itaas ko pa ang ilaw sa kanyang dibdib. Medyo lumuwa ang mga ito mula sa suot niyang pink na spaghetti. 
Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang haplusin. Kaya lang, ayokong masira ang tiwala niya sa akin. 
Nagtimpi ako. Pumasok ako ng banyo at nag-half-bath ako. Biglang umurong si Manoy. 
Hindi ko na tiningnang muli si Lianne bago ako tuluyang nahiga sa sofa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...