Followers

Wednesday, August 27, 2014

Red Diary: Kiss-pirin

Maghapon ang broadcasting training namin. Mula alas-otso hanggang alas-singko. Grabe! Puspusan. Gusto kasi ng trainers namin na manalo kami sa division at makarating sa regional at national levels. Kaya naman namin. Konting-konti na nga lang ay para na kaming professional broadcasters.

Sa sobrang pagod ko, dahil sa maghapong training, para akong lalagnatin. Pinainom ako ni Dindee ng Paracetamol.

“Naku, huwag kang bibigay.. Malapit na ang laban niyo..” sabi pa niya habang hinihipo ang leeg ko kung mainit.

Saka namang dating Daddy. “Anong nangyari sa’yo, Red? Naglalambing na naman ba sa’yo, Dindee.” Nang-aasar pa si Daddy.

Natawa tuloy si Dindee. “Hindi po, Tito. Napagod sa maghapong training nila sa broadcasting.”

Nakangiti pa rin si Daddy. “Lagnat-laki lang ‘yan. O kaya kulang sa Kiss-pirin.”

“Pinainom na  po ako ni Dindee..” sabi ko na lang para matigil na siya. Wala ako sa mood makipag-asaran.

“Sabi ko nga ba, e..” Hinipo din niya ang noo at leeg ko. “Wala naman. Hala, sige pahinga ka na. tatawagin na lang kita pag kakain na.”

“Pwede po bang matulog na ako? Wala akong ganang kumain, e.”

“Ito gusto mo?” Itinaas pa ni Dad yang kamao niya, tapos, nakangiti.

Natawa si Dindee. “Sarap po niyan”

“Hindi po. Kakain na nga po. Mahihiga lang ako sa sofa.”


Nagtawanan kami. Tapos, nahiga na ako sa sofa. Pinilit kong matulog. Nang makapagluto si Daddy, nagmadali akong kumain. Nag-toothbrush at nag-Good night kina Daddy at Dindee.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...