100 Points
Dahil hindi umalis si Daddy ngayong araw, hindi kami masyadong nakapagkulitan ni Dindee. Pero, nakapag-usap kami tungkol sa sinabi niya sa akin kagabi.
Sinagot na niya ako kagabi ng "I do!" Pero, nang tinanong ko uli siya kung kami na, hindi pa raw. Love niya lang daw ako as younger brother. Nalungkot ako bigla. Mabuti na lang tumawa siya, kaya hindi ako naniwala. Siguro ay hindi pa nga siya handa na sagutin ako o maging kami. Love niya lang ako pero hindi pa kami mag-syota. MU kumbaga.
Okay na rin iyon sa akin. At least binigyan niya ako ng pag-asa.
Binigyan niya rin ako ng points, as she promised, dahil ako daw ang Mr. Campus Personality 2014. Binuo niya na ang total points ko to 100 points. Hindi naman siya nagbigay ng clue kung hanggang ilang points ang dapat kung buuin para maging kami.
Thankful na ako sa 100 points na iyon. Pinaghirapan ko yun. Nag-compose ako ng kanta. Nagbilad ng katawan sa stage. Naging makapal lalo ang mukha ko para lang makuha ang mga puntos na inaasam ko. Kung hanggang 1,000 million points ang dapat kung punuin, kakayanin ko, makuha lang ang pag-ibig ni Dindee. Sigurado na ako, siya ang mahal ko.
No comments:
Post a Comment