Followers

Friday, August 22, 2014

Red Diary: Performance

Performance ng folk dance: ASTIG! Daming palakpakan. Kaya lang second place lang kami. Okay na yun. Sa apat na grupong naglaban-laban, pangalawa kami. Not bad!

Pag-uwi ko, wala pa si Dindee. Naidlip muna ako habang hinihintay siya. Alas-singko na nang maramdaman kong nakauwi na siya. Pagkatapos naming magkuwentuhan tungkol sa performance namin, ni-remind niya ako tungkol sa desisyon ni Mommy. Tawagan ko daw para malaman namin. Kahit wala pang 24 hours, tinawagan ko na si Mommy.

"Excited ka, Nak, ah! Bakit? Gusto mo na bang maging girlfriend si Dindee?"

Tumawa lang ako. "Basta..ano po ang desisyon niyo?"

"Magagalit ka ba kung..kung hindi ako pumayag?"

"Hmm..Siguro po.."

"Ay! E, di papayag na ako. He he!"

"Talaga po? Yehey! Thanks, Mommy! Kelan ka po pupunta dito?"

"Excited talaga ang Red ko.."

"Siyempre po.."

"Bahala na, anak. Pagpayagin mo muna ang Daddy mo. Malay natin, ayaw niya akong papuntahin diyan. E, di balewala din ang pagpayag ko."

"Payag po yun.."

"Huh? Paano ka nankakasiguro?''

"Basta po! Akong bahala..."

"Akong kawawa?''

"Hindi po.. Sige, Mommy.. Salamat.. Confirm ko po sa inyo pag pumayag na si Daddy.."

"Okay, nak.. Bye. I love you!"

"Bye, Mom.. I love you too!"

Tuwang-tuwa kami ni Dindee sa pagpayag ni Mommy. Ramdam ko na rin ang nalalapit naming opisyal na pagmamahalan ni Dindee. Excited na akong maging nobyo niya. Excited na rin akong magkasamang muli ang aking mga magulang..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...