Followers

Monday, August 25, 2014

Double Trouble 22

DENISE' POV

Nakaka-bad trip ang utol ko! Paano niya nalamang tibo ako? Buwisit! Lakas ng sense niya. Paano na lang kapag sinabi niya ito kina Mama at Papa? Yari ako.

Ang mahirap nito, bina-blackmail niya ako. Gusto niyang ilakad ko siya kay Krishna. `Di puwede! Malapit ko na rin siyang mapasagot. May mutual understanding na kami. Sabi niya sa akin noong isa araw, masaya siya kapag kasama ako.

Pagpasok ko, kinausap ko kaagad si Krishna. Sinabi ko sa kaniya, na alam na ni Kuya ang lihim ko. Kami lang naman ang nakakaalam niyon. Kahit ang tropa namin ay hindi iyon pansin dahil babaeng-babae ang panlabas ko.

Pumayag naman siyang maglayo kami paminsan-minsan para hindi tuluyang mabulgar ang sikreto ko. Sabi nga niya, mag-text na lang kami, kung gusto naming mag-usap. `Tapos, in-open up ko na ang gustong mangyari ni Kuya.

"Pumayag ka?" tanong ni Krishna. Medyo malungkot ang boses niya.

"Hindi. Hindi pa. Ikaw ang dapat magsabi sa akin, kung pumapayag ka."

Nag-isip muna siya. "Kapag pumayag ako... paano tayo?"

Nagulat ako sa tinuran niya. Paano tayo? Inulit ko iyon sa isip ko. Hindi ko akalaing gusto niya rin ako. Nalulungkot kasi siyang ipapasa ko siya sa kapatid ko. "Tayo pa rin. Pagbigyan lang natin si Kuya Dennis."

"Pero... pero hindi ko siya gusto?"

"Bakit?" Pogi naman si Kuya. Bagay nga sila.

"Ayaw ko ng nerd na lalaki. Gusto ko ng astigin."

"Bakit ako?"

Tumingin muna siya sa mga mata ko. "Iba ka, Denise."

Malapit na kaming magkaiyakan, kaya naghiwalay na kami ng daan. Bumalik na siya sa classroom. Ako naman ay dumiretso sa CR para umiyak.

Mahal ko na si Krishna. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...