Lumipas ang mga araw, naging kampante na akong kasama si Lianne.
Inspired akong sumayaw sa Xpose Bar. Ngunit hindi pa rin niya alam ang uri ng
trabaho ko.
Naging komportable na rin si Lianne sa akin. Nasanay na siyang makita
akong naka-hubad-baro at naka-boxer lang. Bagamat, hindi pa rin siya madala sa
mga pang-aakit ko sa kanya. Hindi ko rin naman pwedeng samantalahin ang
pagpapatira o pagtulong ko sa kanya. Hindi ako abusadong tao. Mahal ko siya
kaya ko iyon ginagawa.
Hindi naman masyadong mahalaga sa akin ang virginity ng isang babae,
kasi ako mismo ay hindi na rin inosente sa sex. Gayunpaman, mataas ang
paggalang ko sa mga babae, lalo na kapag mahal ko. Kaya kong maghintay kung
kelan niya ibibigay sa akin ang pagkababae niya. Mas masarap ang sex kung
parehong gusto ng magpartner.
Sa usaping partner, tuluyan nang nagka-develop-an sina Lemar at Jake.
Magkasama na sila ngayon sa isang tirahan. Patuloy pa rin silang sumasayaw
kasama ko, patago nga lang ang kanilang relasyon para tuloy pa rin silang
kumita.
Tungkol naman sa application ko sa Axis, pinaghihintay ako ng agency.
Inuuna lang daw nila ang mga naunang aplikante. Kaya, habang naghihintay ng
tawag ay patuloy akong gumigiling sa entablado ng kalibugan.
Pero, kanina paggising ko, isang masakit na katotohanan ang gumimbal sa
akin. May tulo ako!
Punong-puno ng nana ang boxer shorts ko. Hindi ko nga halos maiangat ang
ari ko dahil dumikit na ito sa tela.
Natawag ko ang Diyos. Nataranta at natakot ako.
Nagtapat ako kay Mama Sam. Pero instead na maawa sa akin,
pinagalitan pa ako. "Di ba bawal kang makipagsex? Paano ka
nagkatulo. Tigas ng ulo mo, Hector! Gamutin mo yan. Uminom ka ng sabaw ng buko.
Hay, naku.. naku!"
Andami pa niyang sinabi. Hindi ko na lang pinakinggan.
No comments:
Post a Comment