Followers

Thursday, August 7, 2014

Red Diary 157

Swimming Trunks


Nakakatuwa! Gising pa pala si Dindee kagabi nang pumasok ako sa kuwarto niya. Umaga ko na nabasa ang text niya. Sabi niya: "Pumapasok ka ng kuwarto ng may kuwarto. Tapos, manghahalik ka pa.."

Nagkatawanan kami ng magkaharap kami sa dining table. Wala lang akong load. Re-reply-an ko sana ng "Sana itinuloy ko na lang pala.."

Ituloy ko na ang kuwento ko...
Mainit na ang laban. Tense na ang nararamdaman ko, habang tinutulungan ako ni Dindee na magtanggal ng ethnic attire ko. Sports Wear competition na kasi. Kung ang bahag ko ay nailabas ang skin ko, ang swimming trunks ko ay mas lalabas ang katawan ko. Whew! First time kong maglakad ng nakaganun sa maraming manunuod. Hindi naman nakakahiya ang katawan ko, nakakahiya lang kasi pagtitinginan nila ako. 

Lumunok muna ako ng laway saka ako naghubad ng towel na tinapis ko sa baywang ko, saka ako lumabas. Tinawag na kasi ako. 

Malakas na malakas na hiyawan ang narinig ko. Napangiti ako. Nakakataba ng puso. Akala ko ay malalaswahan sila sa trunks ko. 

Umakto ako ng tila ng hahanda para mag-dive. Tapos, rumampa-rampa na ako. Gusto kong magmadaling lumabas ng satge pero sinikap kong pakalmahin ang sarili ko. Nakita ko kasi si Daddy na nag-thumb-up sa akin. Panay naman ang shot ni Dindee sa bawat paghinto ko. 

Tapos na. Kaso, lalabas uli para sa lahatang posing. Ako lang yata ang hubad na hubad, Si Nico ay baseball player. Si Riz ay tennis player. Si Michelle ay naka-taekwondo. Si Leandro naman ay basketball ang costume. 

Nang nakaraos, inisip ko naman ang swim wear competition. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...