Followers

Friday, August 1, 2014

Ang Aking Journal --Agosto, 2014

Agosto 1, 2014

Ang aga kong nagising. Pasado alas-tres lang ay mulat na ako. Nag-try akong pumikit uli pero bigo ako. Bumaling-baling lang ako. Kaya nang quarter to 5 na, bumangon na ako. Nagbabad na lang ako ng damit. Pagkatapos, nagkape at nag-internet. Nag-edit ako ng pictures at sinali ko sa Mobile Photography.

Past six, umalis na ako ng boarding house. Nag-almusal muna ako sa Chowking, bago pumunta sa Division Office para sa second day ng seminar-workshop. kailangan kong mag-almusal. Kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil wala namang magsasabi sa akin na nagugutom ka, Froilan. Sarili ko lang.. Ang problema kasi sa akin, lagi akong walang ganang mag-almusal. Nakasananyan ko nang pumasok nang di kumakain. Kinakawawa ko ang sarili ko. Dapat mahalin ko dahil malaki ang epekto nito sa katawan ko.

Ang saya naming apat. Although, hindi nila masyadong gusto ang topic dahil school paper making, nakinig kami at nakisali sa workshop.

Andami ko ring natutunan. Andaming bago sa aking pandinig. Makakatulong ito ng malaki para sa  Tambuli.

Umalis ang tatlo ng maaga. Bukas wala pa sila. Tapos, si Sir Erwin ibinibigay pa sa akin ang category niya. Hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-train ng mga contestants ko, dagdagan pa ng isa. Di bale, kakayanin.


Agosto 2, 2014

Maaga pa rin akong dumating sa DO. Sinimulan ko na agad ang paggawa ng front page ng Tambuli na isa-submit ko sa speaker.

Hindi na akong umasa kina Sir Erwin, Mam Diane at Mareng Lorie na dumating kasi may mga klase sila sa masteral. Mabuti na lang ay may kausap ako kahit paano-- ang mga tag-ABE, CES, PVES at JRES. Tapos, may activity pa kami kaya. Nakasalo ko nga ang sina Sis Ivan at Mam Arcely ng ABES sa Chowking nang mang-lunch kami. Nagkuwentuhan kami at nga-share ng mga bagay-bagay about sa profession. Enjoy naman ako kahit wala akong kasama from GES. Hindi nga lang ako makatawa at makakulit.

Pasado alas-singko na natapos ang Closing Program/Awarding. Nakuha ko na ang certificate namin. Sulit ang 3-days na pagod. Marami akong natutuhan.



Agosto 3, 2014

Bago mag-alas otso ng umaga ay nasa school na ako. Nakapag-almusal pa nga ako sa isang carinderia malapit doon. Naron na rin iba sa mga pupils ko na tuturuan ko nga Pandango Oasiwas, bilang entry namin sa Buwan ng Wika- Patimpalak sa Pagsayaw.

Pasado alas-otso, nagtuturo na ako. Mabilis naming nabuo ang sayaw. Salamat sa Youtube! Mabilis ding pumik-ap ang mga bata kaya mabilis kong natapos ang pagtuturo. Pinauwi ko sila bandang alas-diyes y medya. Ako naman ay nag-stay sa school maghapon.

Nag-print ako ng diyaryo ng ibang school na bigay ng speaker nung Friday. Nag-gardening ako sa baba at sa tapat ng classroom ko. Ginawan ko din sa Alyssa ng project niya s aFilipino VI kasi wala daw siyang mahanap.

Productive ang araw ko ngayon. Kaya lang antok na antok ako pag-uwi ko. One hour akong nahiga. Ewan ko lang kung nakaidlip ako.

Naiinis lang ako sa herpes ko sa labi. Maaga at mapula ang upper lip ko. Para tuloy akong tinuka ng manok. Bakit ngayon pa ako tinamaan nito kung kelan araw-araw akong haharap sa mga co-trainers at trainees namin, pati na rin sa mga pupils ko?! Dati ko namang nararanasan ito pero this time, masyadong malaki ang sakop ng pantal-pantal kaya obvoius talaga.. Bwisit!

Gabi, nakapag-email ako ng contribution sa Kritika Kultura. Tatlo. Ang dalawa kong essay na 'My Education: My Contribution to the Future" at "Classroom: A Place of Learning" at ang Chapter 1 ng novel ko na "Dumb Found" ang mga ipinasa ko. Sana makuha...

Bukas, magsa-submit uli ako ng essay at poems..



Agosto 4, 2014

Akala ko ay ako ang late sa training namin. hindi pala. Nauna lang ang PVES sa akin.

Naging abala ako nang training na. Mahirap pala. Mabuti na lang free ang food namin ng office at canteen. Pero, mahirap kasi akyat-baba ako. Hindi tulad kapag nasa school kami, naka-steady lang ako sa room.

Hindi ako nakapagturo dahil alas-dos na kami natapos. Nag-train naman agad ako. Dumating pa ang pinag-try-out ko para sa colalborative writing-photojourn. Si Nicole ang napili ko. Pwede na. Kahit hindi masyado sa English. Matututo na lang siya. Mahusay naman ang bata sa Math ko dati. Maganda pa ang camera niya kumpara sa iba.

Sabay-sabay ko na trinain sina Crisela, Maria, Ayssa at Nicole. Grabeng hirap. Pasaway pa ang mga bata ko. Mabuti andun si Mam Nelly.

Bukas na ang first training namin sa collaborative kaya ni-remind ko ang mga contestants ko.

Nag-practice din ako ng mga dancers ko da Pandango Oasiwas. Mahirap kung iispin pero hindi, dahil enjoy ako sa ginagawa ko.

Basang-basa ang shoes ko at laylayan ng pantalon dahil nahirapan akong sumakay ng dyip pauwi. Grabe ang nilakad ko para salubungin ang dyip na galing sa Faura, para lang makasakay. Tapos, traffic pa. Halos, isang oras kami sa kalsada. baha pa sa Fabie. Malas!Andami ko pa namang ita-type. Alas-otso na ako dumating kaya konti na lang ang natapos ko.



Agosto 5, 2014

Alas-siyete y medya ay nasa school na ako. Naiinis ako dahil basa ang medyas at kalahati ng sapatos kong Cons. Tumapak kasi ako sa basang foam sa daan. Akala ko di ako lulubog.

Kung may tsinelas nga lang ako, nagsuot na ko.

Nauna kaming dumating sa JRES, maliban sa mga pupils na taga-roon talaga. Habang naghihintay, inaliw ko ang sarili sa pagkuha ng mga litrato na pwede kong isali sa photography contest. Tinuturan ko na rin si Nicole Lumubos about photojourn.

Nang nagsimula na ang pagtuturo naming sa team, naghubad ako ng sapatos. Nagmedyas lang ako sa loob ng ICT room. Nawala ang inis ko. Pero, nagdesisyon akong bumili ng kapalit ng shoes ko dahil lumang-luma na ito at butas-butas na.

Alas-dos, nasa school na uli ako. MTAP naman ang sumalubong sa aking trabaho. Ipinamigay ako ang forms ng MTAp Saturday class bago ako naupo sa loob ng classroom ko. Maya-maya, dumating naman si Alyssa.  Nag-train ako sa kanya. Inantok ako kaya pinauwi ko after one and a half hour.

Hindi ako nagpa-practice ng sayaw dahil kulang ng isa. Mabuti naman dahil gusto kong makapunta sa Harisson Plaza ng mas maaga.

Bumili ako gamit ang credit card ko. Uutang na lang ako kay Mareng Lorie pag kinapos ako.


Red high-cut Converse ang binili ko. Dream come true. 



Agosto 6, 2014

Maaga akong pumasok dahil nagtext si Mareng Lorie na absent siya. balak ko pa namang magpa-late dahil gusto ko pang matulog. Isa pa, nahihiya ako sa sugat sa labi ko. Wala akong nagawa..

Pagdating s school, MTAP Saturday class naman ang ipinamigay ko. Nagawa ko iyon bago dumating ang mga broadcasters at kapwa ko trainers.

Wala ang principal pero, inasikaso pa rin ang meryenad namin at ang lunch. Supportive din si mam Lolit.

Nagkatuwaan kami sa hapag-kainan. Masasabi kong unti-unti nang nabubuo ang samahan namin. Sayang wala si Mare. Mas masaya sana kasi alam ko numero uno siyang manunukso sa amin ni Mam Ludilyn.

Pagkatapos ng training, 12:30PM, pinagamit ko si Mareng Janelyn ng credit card ko para makabili ng plane ticket na worth P2800 plus.  Tapos, umakyat na ako, at gumawa ng mga gawain sa Filipino. Sinimulan ko din ang paggawa ng bulletin board para sa Buwan ng Wika. Tinulungan ako ni Mam Nelly. Si Mam Diane naman ang nagpresenta na magturo ng acrostic na sinulat ko. Prinaktis din ni Sir Erwin ang sabayang pagbigkas, habang nagti-train ako kina Alyssa at Jens. hindi pumunta sina Maria at Crisela.

Nagpractice ako ng sayaw sa mga pupils ko bago umuwi. 

Nakakapagod pero ayos lang. Kahapon nga ay tinanong ako ni Jens kung hindi daw ba ako napapagod. Ang sagot ko ay "Pag gusto ko ang ginagawa ko, hindi ako napapgod."

Mas napapagod ako pag nasa boarding house na. Hindi pa nga ako nakapagpahinga, nagbabad na agad ako ng mga damit namin. Bukas naman ay gigising ako nga maaga para magbanlaw..


Agosto 7, 2014

Maaga kaming nakarating sa JRES para sa collaborative publishing training. Tapos, maya-maya, nagsidatingan na. Ang ABES lang ang wala. Nag-train lang ako ng photojourn at lathalain sa tatlong pupils. Hindi pa kami nakakapagsimulang mag-layout. 

Alas-dos, umuwi na kami. Nag-train naman ako kay Alyssa. Medyo napagod ako dahil sa sobrang init ng panahon. Sobrang antok ko din habang nagpapasagot at nagtuturo ako sa kanya. Kaya umuwi agad ako. Mabuti hindi ako natraffic. Nahiga ako till past seven. Hindi naman ako nakatulog dahil dumating na agad si Eking.

Niyaya ako ni Jano kanina nang nasa school pa ako. Iti-treat daw nila si Mama. Kaso, naisip ko si Eking. Baka, reply-an na naman ako na wala siyang pambili o pang-abono para sa ulam at hihintayin na lang niya ako. Sus! Grabe.. Sarili kong kasiyahan ay isinasakripisyo ko pa para sa kanya.

Sayang, I miss my mother's 65th birthday celebration..



Agosto 8, 2014

Alas-siyete y medya ay nasa school na ako. Gumawa ako ng letter-cuttings para sa Buwan ng Wika- Tagisan ng Talino. Nag-print din ako ng program sa culminating ko na ipapakita ko sa mga Filipino teachers. Tinulungan ko din si Mam Rodel sa kanyang ibang gawain.

Habang nag-eexam ang mga bata, akyat-panaog ako dahil may cooking contest sa court. Ako daw ang photographer. Kaya lang, kinuha ni Mam Jing kaya umakyat na ako. Bumaba na lang ako pagkatapos ng recess.

Pinababa kami ni Mam Deliarte nang mag-a-awarding na. Need daw ng audience. Nanalo ng first prize ang bulletin naming Grade 5. Nakakatuwa. Nakatanggap kami ng P320.

Tapos, past 3, ginawa ko ang Tagisan ng Talino. Tinulungan ako nina Sir Rey, Mam Diane at Sir Erwin. Kaya, amaganda ang kinalabasan. At nang matapos namin, nagmeryenda kami sa Yan Kee. Kulang lang. Si Sir Joel, di sumama. Di na naman siya nakatikim ng premyo namin..

Tapos, napag-tripan namin ni Sir Erwin na sundan si Mam Diane sa kanyang boarding house. Ayaw niya kaming papuntahin. Pero, dahil mapilit kami, wala siyang nagawa. Doon ay nagkape kami at nagkuwentuhan. Napasarap nga, kaya umabot kami ng alas-7. Kung di ko lang iniisip si Eking, di pa ako nagyayang umuwi.

Nakauwi ako ng alas-7:30.



Agosto 9, 2014

Nainis ako sa tawag ni Mr. Endico, ang West District Math Coordinator dahil hinahanap ang payment ng MTAP. Ipinadala ko na kahapon kay Mang Bernie. Kasalanan ko ba? Kahit sabihin pang hindi ako nagpadala ng listahan ng nagbayad, e, may permit naman na kasama yun.

Nagmadali tuloy ako sa pagpunta sa school para gumawa ng listahan. Pinunta ko pa sa PZES. Nakakapagod! Dapat hindi ko na pala tinanggap ang pagiging assitant coordinator ng school.

Nagpasaway pa itong si Primitivo. Nagdala ba naman ng onse na bata. Limang permit lang ang binigay ko sa kanila. Mahirap bang unawain? Ni hindi nagtanong. Nakakahiya na naman ang GES.

Second day ng exam. Marami-rami akong nagawa. Natapos ko ang mga pangalan ng bata sa report card. Kaya nang alas-kuwatro na, bumiyahe agad ako pa-Antipolo. Ngayon ko na lang uli mabibisita si Mama, after ng birthday ni Hanna. Birthday niya din noong 7 pero now lang ako makaka-greet.

Quarter to eight na ako nakarating. Mabuti, gising pa siya.


Agosto 10, 2014

Di ako nakatulog ng husto dahil sumakit na naman ang rayuma ko sa likod. Malamig kasi sa madaling araw kaya umariba naman ito. Sayang! Gusto ko sanang matulog ng mahaba para makabawi  sa ilang araw na puyat.

Bumangon na lang ako at nag-Wattpad at FB.

Past ten, pumunta kami ni Mama sa Boso-Boso, kina Jano. Doon daw magluluto para sa birthday niya at ni France. Hindi na namin nahintay si Flor.

Nagkuwentuhan kami. marami akong nalaman--tungkol kay Taiwan, tungkol sa mga Diokno. Haist! Buhay nga naman.

Naipautang ko rin kay Flor ang Samsung Tab ko. Kay Mama niya raw ibibigay ang monthly na P500. Ayos! Balak ko naman talagang ibenta 'yun.

Past 4, saka pa lang kami nakapagmeryenda. Past five, nainis ako sa text ni Eking. Gusto pa akong pauwiin ng maaga para lang sa kapakanan niya. Bihira nga lang akong umuwi sa Antipolo. Tinatanong ba naman ako kung anong oras ako uuwi dahil P5 na lang ang pera niya. Diyusme, P200 ang binigay ko kahapon. Nagdeisisyon akong magtagal. Sumama muna ako kay Mama sa pag-uwi. Gusto ko kasi siyang pagutuman..Sobra ang "kabuntulan" niya.

Pagdating ko, alas-10 na. Di pa rin talaga kumain. Kailangan ko pang bigyan ng pambili. Masarapa! Bakit may 'buntol' sa mundo!!



Agosto 11, 2014

Alas-sais ay gising na ako. Gusto kong maagang makarating sa Gotamco pero nabigo ako. Bumili pa kasi ako ng bigas. Pasado alas-siyete y medya na ako nakarating doon. Na-late din tuloy ang dating namin sa Cuneta para sa broadcasting training. Kami na lang pala ang hinihintay. Na-traffic pa kais kami sa may city hall.

Masama ang pakiramdam ko dahil sa sipon. Runny nose. Ang hirap.. Hindi tuloy ako nag-enjoy. Iritado ako. Mabuti na lang hindi natuloy ang demo ni Mare. Baka hindi ko rin magampanan ang tungkulin ko ng maigi.

Nagtext si Aileen habang nasa training ako. Nagtanong kung nawithdraw ko na. Nag-white lie ako. Tapos, kinumusta niya ang damulag kong alaga. “Ganon pa rin’, sabi ko. Hanggang mapunta ang usapan namin sa pag-condemn ng ugali ni Eking. Nagsumbong ako sa kanya. Sabi ko, kung hindi lang ako tumatanaw ng utang na loob, nag-give-up na ako. Agree naman siya sa bad attitude ng pamangkin niya. Pasensiya na raw ako. Ano pa nga ba?

Alas-dos ay nasa school na ako. Ako pa ang nakapagpa-recess. Tapos, nagpa-check ako ng mga papel sa test.

Uwian. Sumabay sa akin si Sir Erwin papuntang HP. Itingin daw siya ng sapatos. In-offer-an ko naman siya na pahiramin ko ng card dahil na-gets ko na agad ang gusto niya. Kumuha naman siy ng Fila na wotrth P1899. Mabuti nakapasok pa sa RCBC ko.

Pagkatapos, nag-grocery ako sa Shopwise. Nagbayad din ako ng P4000 sa tuition ni Eking.



Agosto 12, 2014

Medyo late ako nang dumating sa school, kaya nagmadali akong ma-pull out sina Jens at Nicole sa mga klase nila. Hindi naman kami ang late. Naroon na ang mga taga-ABES. Pangalawa lang kami.

Back to basic pa rin kami, lalo na ang news writing. Panay ang turo namin. Ang isa nga ay halos sa akin na nanggaling ang mga salita na sinulat niya. Gayunpaman, improving na sila. Si Nicole na lang ang problema ko. mahina siya sa English, although learning naman siya. Hindi niya makuha ang tamang caption sa isang picture. Mabuti na lang at magaganda ang kuha niya.

Natapos kami bandang alas-dos. Kaso, wala pa rin kaming output. Akala ko ay maghapon kami.

Pagbalik ko sa school, kinausap ko si Lester Figueroa, na recommended ni Mareng lorie. Nagpatulong kasi si Mam Ritchel, Filipino Coordinator ng ABES na hanapan ko siya ng kakanta. Mabuti ay handa ang bata. "Dakilang Lahi" ang kakantahin niya. Ang ganda ng boses niya kaya hindi na ako nagdalawang-iisp. Ibinigay ko sa kanya ang number ko para i-text ako ng Mama niya kung anuman ang desisyon. Pumayag naman ang ina. Naalala ko kasi last year na siya ng nanalo sa patimpalak sa pag-awit  sa Buwan ng Wika. lagi ko daw isasali ang anak niya kapag may mga pa-contest. Natupad na ang sinabi niya.

Nag-audition din kami ni Mam Rodel sa Grade 5. marami pala ang mga may talent sa pagkanta. Kaya, nagdesisiyon kaming magkaroon ng elimination sa Friday para makakuha ng limang ilalaban sa school competition sa Aug. 22.

Pinagpraktis ko rin ang sa sabayang pagbigkas at ang sa Pandango.

Bukas na ang Tagisan ng Talino ni Alyssa. "God, gabayan Niyo po siya.."



Agosto 13, 2014

Alas-singko, gising na ako. Pasado alas-sais y medya, kinuha ko na si Alyssa sa classroom nila. Humingi muna ako ng pambayad ng registration fee kay Sir Joel saka kami umalis. Kami yata ang pinakaunang dumating. Kaya lang, mali ang suot niya. Hindi dapat siya naka-uniform. Hindi naman kasi nakalagay doon sa mechanics. Pero, sinamahan ko pa rin siya para magpalit. Nakabalik naman kami agad. Matagal pa nga bago nakapagsimula.

Dumating naman si John Lester at ang kanyang ama nang nagto-talk si Mam Silva. Ipialaam ko kay Mam Ritchel kay pinakanta agad siya pagkatapos ng mga talk.

Alam kong magiging maganda ang rendition ni Lester sa kanta niya kahit nagpalit siya ng kakantahin-- mula sa “Dakilang Lahi” to “Sa Isang Pangarap”. Pero, hindi ko inakalang magugustuhan ito ng madla. Isang malakas na palakpakan ang binigay sa kanya pagkatapos niyang kumanta. Natuwa ang mga principal, si Mam Silva at Dr. Puti-an. Very proud naman si Sir Socao at Sir Gali. Na-picutre-an ko nga sila habang kinakamayan nila si Lester.  Nakakataba ng puso.

Sumunod na ang nakakapagod na trabaho ko. Akyat-baba ako para kuhaan ang mga pangyayari sa limang categories.  Pinagpawisan ako. Nagutuman din dahil walang makainan. Hindi ako nakaalis.

Hindi pa nasungkit ni Alyssa ang panalo. Apat silang naglaban, pang-apat din siya. Nakakalungkot pero kailangang tanggapin dahil kasalanan ko. Hindi ko siya na-train masyado. Busy ako masyado sa broadcasting at collaborative publishing. Pero kung naging after lang ako sa panalo, si Isaiah ang nilaban ko dahil siya ang nanalo sa “Tagisan ng Talino-School level”. Kaya lang, matagal ko na kasing nasabihan si Alyssa. Sadya lang talagang mas may matatalino pa kesa sa kanya, lalo na’t Section 2 pa siya.

Okay na rin iyon. At least, naiparanas ko sa kanya ang division contest n matagal na niyang ipinaparamdam sa FB.

Isinabay pa kami ni Mam Evelyn sa pag-uwi sa GES. Nagpahatid kasi siya sa van ng ABES. Nahiya tuloy ako. Pero, taas-noo pa rin ako. Alam naman niya na busy ako kaya kulang ang training namin..



Dahil wala na akong internet kagabi pa, sa school ako nag-post ng mga stories/updates ko sa Wattpad. Copy-paste na lang kasi na-encode ko na ang mga iyon kagabi.
Hindi talaga ako pwedeng walang internet. Parami ng parami kasi ang nag-aabang ng mga literary pieces ko. Humahabol na rin ang "Apokalipsis" sa "Red Diary". Sana lahat.. Hehe
Dahil wala kaming training, maghapon ako sa school. Nagturo na rin ako sa Math at Filipino. Natuwa ang mga Section 1 sa mga antics ko nang nag-Filipino kami.
Nalulungkot lang ako dahil ililipat na si Sir Erwin sa PVES. Wala na kaming katawanan ni Mam Diane.
Nagsanay ako ng mga bata sa pagsayaw bago umuwi. Nagbigay na rin ako kay Mam Nelly ng pambili ng props nila. Kailangan kong gumastos para mapaganda ang sayaw nila.
Dumating na si Epr. Late ko na nabasa ang message niya sa FB kaya di siya nasama sa sinaing. Nahiya at naawa ako dahil kumain na raw siya. Sorry..


Agosto 15, 2014
Maaga akong umalis ng bahay dahil wala pa rin akong internet, marami akong dapat ihanda sa school para sa elimination ng pag-awit at patimpalak sa pagbabaybay.
Pagkatapos kung mag-FB at mag-Wattpad, nag-decorate ako ng library na pagdadausan ng pagbabaybay. Natapos ko naman agad bago dumating ang mga bata.
Naging successful ang paligsahan. Natulungan ko rin si Karen na isakatuparan ang contest na gaya sa akin. Si Mam Nelly naman ay nagsimula nang i-cut ang Gina cloth na pinabili ko para sa costume ng mga performers ko.
Alas-tres, sinama ako ni Sir Erwin sa Aliw Theater para manuod ng libreng show ng ABS-CBN PhilHarmonic Orchestra. May dala kaming mga bata.
First time ko kaya na-enjoy ko ang show. Marami din akong natutunan tungkol sa mga musical instruments. Ang husay pa nila..
Pagkatapos naming maipauwi ang mga bata, nagmeryenda kami ni Sir sa Chowking. Napagkuwentuhan namin ang grievance ko sa pamangkin ko. Pareho kami ng iniisip. Paghawakin ko daw siya ng budget. Ibigay ko lahat ng padala. Siguro, mahihirapan siya..



Agosto 16, 2014
Wala pang alas-singko ay gising na ako. Dahil ayaw kong ma-late sa pagpunta ng school, umalis agad ako pagkaligo ko. Sa school na ako nagkape habang naghihintay kay Mam Amy at iba pang kasamahan.
Alas-siyete ay bumiyahe na kami, kasama ng 8 Kab scouts at ilang parents. Kasama ko rin si Primitivo, Karen, Mam Gina, Mam Rodel at Mam Amy.
Alas-otso, nasa Marikina Sports Plaza na kami. Namangha ako sa ganda at linis ng Marikina at ng sports complex.
Naging busy ako sa pagkuha sa bawat activities ng scouts namin. Iyon naman kasi ang purpose at role ko, secondary na lang ang service credit.
Nagkita-kita kami dun ng mga co-trainers ko sa collaborative na sina Ruby at isa pa ng CES.
Mainit ang panahon pero naenjoy ko ang gawain. Natutuwa ako sa mga bata. Kaya lang nagutuman muna kami dahil sa sobrang haba ng pila sa Mc Do.




Agosto 17, 2014

Nakatulog ako ng matagal-tagal. Nabawi ko ang ilang araw na puyat. Gayunpaman, hindi pa rin ako nakapagpahinga ngayong araw, dahil naglaba ako. Sinamantala ko rin ang pagwa-Wattpad at ang pag-upload ng pics nitong mga nakaraang activities ko like elimination sa pag-awit, pagbaybay at ang Kab-Palaro kahapon. 

Umidlip lang ako saglit. Okay na yun. At least, nasa boarding house lang ako.

Nagchat kami ni Maniline Robelas. Pupunta siya sa school para mag-propose ng program nila sa company. Sa Martes, alas-3 siya pupunta. Sana magustuhan ang proposal niya kahit may stargazing na kami.


Agosto 18, 2014

Hindi ako umalis ng boarding house ng maaga kasi tinantiya ko ang tiyan ko. Noong Sabado pa ako nagda-diarrhea. Mabuti di na ako nakaramdam nang nasa biyahe na ako. Mabuti rin na inasikaso na ni Mareng Lorie ang mga broadcasters namin.

Pasado alas-otso ay nasa Cuneta na ako. Ako na lang pala ang hinahintay dahil kailangan ng laptop sa pag-type ng script. 

Ang saya-saya naming trainers. Tinutukso pa rin nila ako kay Mam Ludilyn. Nagba-blush tuloy kami. Tapos, napag-usapan pa ang love life ko. At ang pinakanakakatuwa ay nang kami naman ang nagbroadcast. Tuwang-tuwa kaming lahat sa ginawa namin.

Nagturo ako sa section one dahil naki-meeting si Sir Erwin. Parang namiss kong magturo. Ilang linggo na ring irregular ang klase ko.



Agosto 19, 2014
Alas-siyete y medya ay nasa school na ako. Nahugot ko na rin sa mga klase nila sina Jens at Nicole. At alas-8 ay nasa ABES na kami. Napaaga kami. Ang masama pa, dapat ay sa Gotamco kami. Since, payag naman ang principal mh ABES na dun na lang kami at since masama ang pakiramdam ni Sir Ivan, di na kami lumipat. Ang kaso, nakapunta pa ang JRES sa school. Natagalan sila at napagod. Nag-sorry ako. 

Okay na sana ang training namin kaya lang nagka-electric problem sa ABES. Muntik nang magkasunog dahil sa short circuit. Natigil ang training dahil brownout. Ala-uma, umuwi na kami. Wala pa ring output.

Sa school, nagturo ako ng multiple intelligence sa klase ko. Tapos, wala na.

Nag-diarrhea ako ng dalawang beses. Kainis!

Pagkatapos ng klase, mag-bonding kaming Threesome sa boarding house ni Mam Diana. Nag-dinner kami at nagkuwentuhan. Nagtawanan. Nagbiruan. Nakakawala ng stress. Tinawanan namin ang death threat sa amin ng isang anonimous texter kay Mam Gina.

Pasado alas-9 na kami umuwi. Sobrang saya at busog ko.

Agosto 20, 2014

Maaga kaming dumating sa JRES. Nakipagkuwentuhan muna ako kay Mam Norma. In-inspire niya akong mag-apply sa Outstanding Teacher in Filipino. Sabi ko, hindi pa ako pwede. Ipagpatuloy ko daw ang pag-aaral ko. Sabi ko naman: "You'll be my inspiration, Mam!", nang magpaalam na ako dahil dumating na ang mga kasamahan namin.

Malumbay ako training. Apat lang kaming trainers. Wala si Sir Mark at Mareng Lorie.

Ala-una y medya ay nasa school na kami. Kinausap ko muna si Mam Edith at Mam Vi tungkol sa mga patimpalak, then pumasok na ako sa classroom ko. Maya-maya, prinaktis ko ang dancers ko. Pagkatapos naman ng recess, nag-decorate kami ni Mam Nelly sa stage. Sa tulong naman ng mga pupils ko, gumawa kami ng mga banderitas para sa stage. Bago, mag-uwian, okay na ang stage. All set ns para sa Friday.

After class naman, ang buong Grafe Five teachers plus si Mam Leah at Mam Roselyn ay nag-buffet dinner da Tramway. Treat sa amin ni Sir Erwin.

Nag-HP Aako. Naghanap ng kandilang nasa baso para sa Pandango Oasiwas pero di ako nakakita. Sa Novo Paco sana ako bibili kaso sarado naman. Malas!

At, pag-uwi ko, mas minalas pa ako. Ang Xperia ko kasi ay nag-blackout. Ayaw mag-charge. Ayaw ding ma-on. Nakakainis! Nakakalungkot! Parang naramdaman ko tuloy ang naramdaman kanina ni Mareng Lorie nang maiwan niya ang Lenovo phone niya sa taxu. Hay, malas!

Natulog akong naka-charge ang cellphone ko.


Agosto 21, 2014

Masaya ako dahil nag-charge na ang cellphone ko. Na-drain lang talaga kagabi kaya nagloko.

Bago mag-alas nuwebe ay nasa school na ako. Naghintay lang ako ng ilang saglit, dumating na ang mga dancers ko. Pero, bago yun, nagpa-LBC ako ng books at damit para kay Ion. Nagkapagpadala din ako ng P1,500 kay Emily through Palawan.

Nag-pictorial kami ng mga dancers ko. Suot nila ang costume nila at hawak ang props. Ganda ng kinalabasan. Ang ganda sa mata. Nai-upload ko nga agad. Marahil ay matutuwa ang mga magulang nila na gumastos pa para sa costumes nila. Sulit din ang libre ko sa kanilang panyo, at siyempre ang effort ko. Sana manalo pa kami.

Maaga kaming natapos sa practice. Pinauwi ko na sila agad. Ako naman ay nag-internet. 

Nainis ako sa internet load ko na Smart ON 499. Limang araw lang. Akala ko unlimited. Ang 1000 MB pala ay oras lang. Sayang ang P500 pesos ko. Sana nag-Globe na lang ako gamit ang broadband ni Eking.

Dumating Mam Nelly. bandang ala-una. Nanahi siya. Ako naman ay nag-decorate sa stage. Nang wala na akong magawa, nag-try akong manahi. Marunong na ako dati. Natagalan lang uli ako nakapagtahi kaya nalimutan ko na konti. Gayunpaman, alam ko pa rin pala..

Maaga akong umuwi. Naiwan si Mam. Mananahi daw kasi siya ng iba pa.

Nag-load naman ako sa Globe Tattoo, pag-uwi ko.



Agosto 22, 2014

Alas-kuwatro y medya ay bumangon na ako para mag-CR. Since di na ako nakatulog, naghanda na akong pumasok. Pasado alas-sais ay nasa school na ako. Inihanda ko ang stage at ang musiko. Nag-almusal din ako sa canteen.

Alas-otso, nagsimula na ang contests sa pagsayaw at pag-awit. Dumating na rin ang mga trainees at trainers ng collaborative  publishing ng West District. Okay naman ang pograma. Emcee na ako, cameraman pa. Mabuti ay tumulong si Sir Vic sa audio.

Successful ang program ko. Masyado lang maaga natapos ang laban dahil konti lang ang dumating. Nainis lang ako sa ibang facilitator dahl hindi pumasok ng maaga. Nasisisi pa ako.

Na-disappoint din ako sa result ng judging sa sayaw. Third lang ang Pandango Oasiwas namin. Ang judges ay sina Mam Rose at Mareng Janelyn. Di bale na. At least nakita ng tao..

Sobrang pagod ko. Pero, hindi ako nagsisisi sa ginawa o ginagawa ko. Enjoy ko naman dahil gusto ko ang mga iyon.

Ala-una ng hapon, sinimulan naman namin ni Karen ang patimpalak sa pagbigkas ng tula. Disappointed din ako dahil kokonti ang dumating. Dumating nman ng late si Apreal Kyla. Nasisisi pa ako. Sabi ko daw 2 PM. E, anong magagawa ko, natapos kaagad. Alangang hintayin pa sila.

Hindi pa rin nakapag-print ang collaborative team. Bukas ng ala-una, may training pa rin kami. Nakakaboring..




Agosto 23, 2014

Hindi ako pumasok ng maaga pero maaga naman akong nagising. Puyat pa nga ako dahil sa ahihintay kay Eking. Nag-acquntance party siya. Alas-tres wala pa. Tinext ko. Ewan kong anong oras dumating.

Kaya nang nasa collaborative training na ako, wala ako sa huwisyo. Wala akong ganang mag-train. Gyaunpaman, marami akong nagawa. Naipaikot ang memo ng meeting ng trainers at SPA sa August 27 sa EDSES. Na-scan ko na rin ang forms ng mga young writers.

Pagkatapos ng training, antok na antok ako. Kahit nang tumawag si Ion sa akin bandang alas-singko y medya ay wala ako sa mood. Ang daldal pa naman niya. Nakakatuwa dahil papatayuan daw niya ako ng bahay na may escalator. Bibilhan niya pa raw ako ng ref na maganda.

Sayang di ko siya masyadong nakausap dahil nga sa mood ko. Gayunpaman, natuwa ako sa bata. Miss ko na tuloy.

Si Emily naman ay nag-text na malapit na makalipad si Mhel. Malapit na rin daw siya. Di ako nag-reply. Good luck sa kanila. Hangad ko ang kanilang magandang kapalaran, para din naman iyon sa kanila at kay Zillion.



Agosto 24, 2014

Pagkatapos kung magbanlaw ng binabad ko, umalis ako. Naunahan ko pang umalis si Epr. Pumunta ako ng Antipolo. Mabilis ang biyahe, kaya mga pasado alas-nuwebe ay nakarating na ako. Nagulat si Mama sa pagdating ko. Di daw niya ako in-expect. Natuwa din siya sa groceries ko.

Walang signal ang broadband ko kaya wala akong na-update sa Wattpad. Gumawa na lang ako ng program para sa closing ng Buwan ng Wika. Umidlip ako pagkatapos. Paggising ko, nanuod naman ako ng TV. Pagkaalis ni Taiwan saka ako umakyat at nag-try mag-connect sa internet. Pinagbigyan lang ako ng ilang sandali. Nawala na naman ang signal. Nag-draft na lang ako sa Microsoft.


Alas-otso na muling bumalik.



Agosto 25, 2014

National Heroes' Day. Wala man lang akong naisulat na sanaysay tungkol dito. Wala ako sa mood. tapos, wala pang signal ang Globe Tattoo. Isa pa, sumakit na naman ang likod ko. Maaga na naman tuloy akong nagising. Ang sarap sanang matulog dahil walang pasok. 

Ang ginawa ko, sumulat ako ng script ni Aila sa pag-e-emcee niya sa closing program ng Buwan ng Wika. Natapos ko naman agad, bago dumating si Flor at ang kanyang mag-ama.

Nagkasignal naman pero konti na lang ang nagawa ko sa Wattpad at blog ko. Anyway, thankful pa rin ako dahil nakapagpahinga ako dito sa Antipolo. Bukas kasi ay balik sa training na naman. Sa collaborative ako sasama. Bahala na si Mareng Lorie sa broadcasting. Blessing in disguise din pla na nakuha ko siyang co-trainer ko.

Ipinamamalita na ni Mama na magpapagawa siya ng bahay sa tabi. Gagamitin niya ang perang ipapantubos sa akin ni Ate Ning sa sinanla niyang bahay at lupa. Worth P14,000 lang naman iyon, pero alam ko makakatapos na iyon ng isang bahay na simple. Tutal may pader na left and right. Dalawang side na lang ang papaderan, plus bubong na lang.

Sana nga magbayad na si Ate Ning. Kung hindi, ang PBB na lang ang aasahan ko.

Alas-siyete, pagkakain ko ng hapunan, umalis na ako sa Bautista. Pinag-ingat ako ni Mama. Lagi daw ako mag-iingat sa lahat ng gagawin at sa lahat ng pupuntahan ko. Nag-ingat naman ako, lalo na kanina ay muntik na akong makuhaan ng cellphone ng rugby boy na humingi ng pangkain sa akin. Halos gusto niyang agawin ang maaari niyang pakinabangan sa akin kaya binigyan ko na lang uli ng bente, pagkatapos kong bigyan ng sampu.

Nakakatakot ang mga tao sa Maynila. Wala na a\yatang mapagkakatiwalaan. Pulubi na nga, mapanglamang pa.

Nakaligtas nga ako sa mga mapagsamantalang tao, di naman ako nakatakas sa hagupit ng natural calamity. Na-stranded ako sa may Espana dahil sa baha. Hind makadaan ang mga sasakyan. Nang may nangangahas nang lumusong sa baha, sumakay ako. Kaya lang sobrang nakakatakot, akala ko ay lulubog na kami. Halos abutin na ang sahig nga dyip. Tindi! Mabuti, mahusay ang driver kaya nakatakas kami sa bahang lugar. 

Nakatakas naman nga ako sa traffic, nabasa naman ang sapatos ko. Lumusong ako sa baha pagbaba ko ng dyip. Baha na kasi sa baba ng boarding house namin.

Ten na ako nakauwi. Hindi pa kumain si Eking. Nakita kong walang bawas ang kanin. Hindi ko siya pinansin. Nahiga na ako at natulog pagkatapos kong maghilamos at maghugas ng paa. Iniwanan ko naman siya ng pera. Inano noya? Marasapa!


Agosto 26, 2014
Maaga akong pumasok kahit naramdaman kong may suspension ng klase. Baka kasi matuloy ang training ng collaborative publishing sa CES. Kailangan kong maabutan sina Jens at Nicole. Tinext ko naman si Mareng Lorie pero wala pa daw announcement. Nang nasa HP na ako saka siya nagtext na suspended na.

Hindi naman nasayang ang pasok dahil nag-print ako ng program, ng script ni Aila at ng banner na ilalagay sa stage. Nakapag-update ako ng Wattpad stories ko.  Alas-onse, umuwi na ako dahil nagloloko na naman ang internet ko.

Wala ding pasok si Eking. Pero, pagdating ko umalis siya, ilang minute lang ang lumipas para mag-internet sa labas. Ako naman ay naidlip hanggang alas-kuwatro. Pasado alas-sais na siya bumalik. Ayos!

Kaya lang, pinaringgan ako ng boardmate namin. Nag-iiwan daw ako ng kalat sa lalabo. Kagagawan yun ng magaling kong alaga. Ako pa ang napagbintangan. Buwisit! Bahala nga sila! Marunong ako sa bahay at sa kalinisan. Kaya, malinis ang  konsensiya ko. Di ako dapat mahiya sa kanya.



Agosto 27, 2014

Gusto ko sanang pumasok ng medyo late, kaso nag-text na sina Pareng Joel at Mareng Lorie. Kinulit ako tungkol sa meeting ng trainers. I-confirm ko daw kung tuloy dahil sabi daw ni mam Chie, school paper adviser lang ang magme-meeting. Nakakainis. Pabago-bago, ni walang notice.

Pagdating dun tinawagan na pala nila ang EDSES. Kasama naman pala sila.

Maaga pa kaming nkarating sa venue. Nakaktawa dahil kami lang yata ang pinakamaraming attendees. Tama nga naman si mam Chie. Bakit tumawag pa ang EDSES na kasama pati trainers? Ang pangit talaga ng mga organizers. Mabuti na lang din marami kami kasi masaya. Dumating din si Sir Erwin kaya maingay na naman kaming threesome.

Tapos, after meeting, nag-lunch kami sa Mang Inasal. Ang saya-saya ulit naming nananghalian. Medyo natagalan kami kaya natagalan din ang pagpunta namin nina Jens at Nicole sa Cuneta. Mabuti na lang ay hindi kami ang pinaka-late. Marami lang akong naka-hang na trabaho sa school.

Pasado alas-singko y medya na ako nakbalik sa school. Nagpahintay ako sa threesome friends ko kasi itri-treat ko sila ng meryenda.

Nag-dinner kami sa isang malinis-linis na carinderia, kasama rin si Mam Jing. Nakahabol pa si Mamah. Ang saya  uli namin. Nawala ang pagod at stress ko. Nakapag-release din ako ng sama ng loob sa aming principal for not being supportive to me. Nasabi ko din sa kanila ang purpose ko ng pag-treat sa kanila. Natuwa sila na perfect si Zillion sa lahat ng test, except sa Reading. One mistake siya dun.

Nakapag-solicit din ang aking friends ng pera sa aming co-teachers para sa prizes ng mga contests sa Buwan ng Wika, na hindi man lang masuportahan ni Mam Evelyn. Sinabihan pa nga ng contest-contest-an. Gusto pa niya, ribbon lang ang prizes.

Nakakasama talaga ng loob!



Agosto 28, 2014

Maaga akong pumasok sa school para mag-print ng invitation. Nakapag-print ako ng para sa mga guro, by grade. Nabigyan ko na rin si Mam Lolit at Mam Rose.

Maya-maya, nainis ako dahil, ako pa rin ang naghugot ng mga journalists na kasama sa training sa ABES. Nasaan ang mga trainerss nila? Nagalit ako sa Grade VI-1 dahil inaasa nila lahat sa akin ang trabaho. Ang galit na iyon ay para sa kanilang adviser at trainers. 

Kung makasarili lang ako, iniwanan ko na sila. Lima lang naman ang trainees ko. Ako pa ang umaasikaso ng mga kung anu-anong bagay tungkol sa journalism at Buwan ng Wika. Pasalamat din ako dahil nandyan si Mamah, Sir Erwin at Mam Diane. Tinutulungan nila ako.

Nag-stay ako sa broadcasting training dahil si Mam Joan at mam Vi ay ang mga bantay sa individual writers.

Naging masaya akong nakasalamuha muli ang mga co-trainers ko. Tinukso-tukso na naman nila ako kay Mam Ludz. Ang saya naman!

Pagkatapos ng training, mga alas-tres, bumalik kami sa school. Nag-print naman ako ng certificates. Nag-assort din ako ng pera na na-solicit nina Sir Erwin sa co-teachers namin. One thousand six hundred pesos ang nakolekta nila. Hindi sapat para matuwa ang lahat, pero makakapagbigay ng kasiyahan doon sa iba. Mapapahiya din ang punungguro na hindi sumuporta sa programa ko.

Pagkatapos, naisipan namin si Sir Erwin na dumalaw na naman sa boarding house ni Mam Diane. Nag-dinner at nagkape kami sa kanila. Kuwentuhan. Tawanan. Kulitan. Sarap ng buhay! Nakakawala ng stress. Medyo, naawa lang kami sa sinasapit ni Ninang. Naging palaisipan sa amin ang may kakagawan sa kanya ng kanyang nararanasan. Gayon pa man, hindi ako apektado masyado dahil mabuti at nagpapakabuti ako.

Bago ako natulog, nag=post ako sa page naming mga teachers. Sabi ko: 


Mga Kaguro,

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyong lahat sapagkat taos-puso kayong sumuporta, tumulong at nakiisa upang matagumpay na maipagdiwang ang Buwan ng Wika 2014. Tunay ngang ang Filipino ang Wika ng Pagkakaisa.

Sa mga hindi naman tumulong, natuwa at nakiisa..salamat pa rin! Hindi niya lang marahil batid ang katuturan ng salitang PAGKAKAISA.

Muli po, hinahangad ko ang suporta niyo, bukas sa Pampinid na Palatuntunan sa Buwan ng Wika 2014, alas-3:30 ng hapon. 

Salamat! 


Mula sa aking puso..
---poroy----


Sana maunawaan nila ako.



Agosto 29,  2014

Maaga akong narating sa school para naman sa second day ng journalism training ng mga bata namin. Bago, namin inihatid ni Mam Diane ang mga journalists sa ABES, nakapag-ayos pa ako ng stage. Almost ready na nang iwanan ko.

Inayaos ko naman muna ang mga bata sa kanya-kanyang assigned room ng training saka ako bumisita sa broadcasting training. Complete kami, kaso busy lahat halos. Gayunpaman, nakapagkuwentuhan, nakapagtawanan at nakapagbiruan kami. Sayang nga lamang, kailangan kong umalis-alais para naman sa collaborative training na nasa kabilang building lang. Bumalik din ako sa school para sa iba pang bagay. Sa daan na nga ako nag-almusal. Nilagang saging lang. Hoo! Sobrang busy. Pero, okay lang. I'm inspired..

Maagang natapos ang broadcasting. Pero, hindi pa rin ako agad nakaalis dahil break pa ng mga trainees. hinintay ko pang mag-ala-una para makabalik ako sa school. Nagpaalam ako siyempre sa iba kong co-trainers ng collaborative.

Sa school, inihanda ko ang mga gagamitin sa performances. Pinatugtog ko. May mga lumapit na rin para mgapa-download ng kanta. Ayos! Kasado na.  Kaya lang, na-late ang mga trainees. Umulan kasi ng malakas. Kailangan ng simulan. Di nakasama sa sabayang pagbigkas ang anak ni Mam Nabua. Pero, nakaabot sila sa awarding.

Wala ang principal. Nakakasama ng loob. Sinadya niya o sadyang busy din siya. Di ko alam. Basta ang alam ko, pwedeng-pwede naman siyang dumalo.

Naging aganda ang mga performances ng bawat isa, pwera doon sa mga tula at awit ng primary, dahil hindi nila nalakasan ang boses nila. Sumabay kasi ang malakas na  buhos ng ulan kaya natalo ang mikropono. Gayunpaman, kapuri-puri sana ang programa, ayon kay Mam Diana. Binati nga ako ni Mam Amy dahil successful at maganda raw ang programa ko. 

Muli, napatunayan ko na kaya kong gumawa ng kalidad na program. Kaya ko ring humingi ng tulong sa mga taong nais tumulong at makiisa. Kaya nga pagkatapos ng program ay pinasalamatan ko sila isa-isa. Pinasalamatan ko rin ang mga magulang at mga mag-aaral. Lahat sila ay dahilankung bakit matagumpaya ng aming programa. Si Karen ay tumanggap din ng aking pasasalamat dahil siya ang photographer, gamit ang kanyang DLSR. 

Bago nagsimula ang program, nagkaroon ako ng pagkakataong makipagkuwentuhan kina Pareng Joel at Mareng Janelyn. Naikuwento ko sa kanila ang kawalang-suporta from our admin sa programa ko at  sa journalism. Nai-relate ko rin tuloy ang ginawang panggaganmit sa aking articles ng past admin. Ang pinagawa kasi niyang Tambuli, na supposedly ay ipa-publish ay ginawa palang accomplishment report, without asking my permission. Nakuwento ko rin sa kanila ang tungkol sa USB issue na kinasangkutan ko last February. Ipnaalam ko sa kanila na si Makata O ay muling nabuhay dahil sa mga ito.

Antok na antok ako habang nag-i-FB kaya pinagbigyan ko ang aking mata, bandang alas-10. Feeling bitter ako sa mga taong di-nakiisa at di-sumuporta sa akin, pero thankful ako dahil naging successful pa rin ito.



Agosto 30, 2014

Hindi ko pa ring magawang matulog up-to-sawa. Kailangang bumangon ng maaga para maglaba. Pagkatapos, nag-Wattpad naman ako. Kaya lang humina ang signal ng net ko. Konti lang tuloy ang natapos ko. Hanggang gabi ay hindi pa ako maka-connect. Nag-encode na lang muna ako sa Ms-Word.  Kakaurat! Kung kelan ako walang pasok, siay naman humina. Disin sana’y marami akong nagawang stories o essays.


Natulog na lang ako, bandang alas-11 dahil wala pa ring net. Di ko pa na-update ang Red Diary..



Agosto 31, 2014

Nakakatulog ako ng mahaba-haba. Mag-aalas-otso na kasi ako nagising.

Sinamantala ko ang malakas na signal. Nag-update ako ng Wattpad. Sumulat din ako ng essay na iko-contribute ko sa Learning section ng Philippine Daily Inquirer. Na-email ko na ito. Hihintayin ko na lang ang confirmation. Sana makuha..

Naidlip ako pagkaligo dahil mabigat na ang mga mata ko. Mahina na rin kasi ang signal.


Buong hapon, marami akong naisulat. Inspired pa rin talaga ako. Sana patuloy kong magawa ito, till matupad ko ang pangarap ko.









No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...