Wala nga siyang ginawa kundi ang magluto at maghanda ng pagkain. Binusog niya kami ng husto habang nagba-bonding kami sa videoke.
Kanta naman ako ng kanta ng mga sweet music para lalong maging nakaka-inlove ang ambience namin. Kilig na kilig nga si Dindee. Panay ang titig sa akin habang umaawit ako. Kulang na lang ay sabitan ako ng corsage. Hindi niya alam, para din sa kanya ang kinakanta ko. Mas kinikilig nga ako. HIndi ko lang pinahahalata. Siyempre, ibang klase naman ako kung ako pa ang magpakita ng pagkakilig. hehe.
Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Pakiramdam ko, magkakabalikan na sila Mommy at Daddy. Hiling ko lang ay sana nakabuo sila ng pag-ibig nang nagtabi sila sa pagtulog.
Nang lumabas kasi si Daddy sa kuwarto, nakangiti. Si Mommy naman, ang sweet niya nang binati niya kami ni Dindee ng "Good morning". I smell something fishy. he he.
Parang ayaw ko pa nga siyang payagan kahapon na umuwi agad. Kaya lang magle-lesson plan pa daw siya. Iyon pala, wala namang klase ngayong araw. Di bale, alam ko namang may susunod pa. Pasasaan ba't mauulit din iyon.
No comments:
Post a Comment