Followers

Monday, August 25, 2014

Red Diary: Gentleman


Kitang-kita ko kung paano pinagsilbihan ni Daddy si Mommy kagabi sa hapunan namin. Kagabi ko lang din natikman ang ganung kasarap na putahe niya, kaya naman nagustuhan ng aking ina ang aming hapunan. Marami siyang nakain. Marahil ay pinaghandaan ng husto ng aking ama ang pagbisitang iyon ni Mommy.

Pagkatapos, naglabas pa ng ice cream si Daddy at gumawa ng banana split. Sarap! Sana lagi na naming kasama si Mommy. Inspired kasi si Daddy na magluto at maghanda ng pagkain.

Ang nakakatuwa pa, nag-uusap silang dalawa. Nagkumustahan sila ng trabaho. Kami naman ni Dindee at patay-malisya sa kanilang usapan. Nagkuwentuhan din kami tungkol sa aming studies, pero ang totoo, nakikinig kami at nakikiramdam sa kanila. Napansin ko rin ang glow sa mga mata ng mga magulang ko. Ang sweet nila. Nakakakilig at nakakatuwa. Nakakatuwa si Daddy kasi napaka-gentleman niya. Ganun pala siya talaga sa  totoong buhay at halata namang hindi pakitang-tao. Thumbs up ako sa kanya!

Nag-bonding muna kami sa sala. Alas-onse na kami nagsitulog. Sobrang saya ko nang pagbigyan ako ng dalawa na magsama sila sa pagtulog sa kuwarto namin. Ako, sa sofa nahiga. Para akong nakalutang sa ulap nang ilapat ko ang likod ko. Wala na nga akong mahihiling pa sa kanilang dalawa. Pareho nila akong mahal. Pinagbigyan nila ako. Ang hiling ko lang sa Diyos ay tuluyan na silang magka-develop-ang muli sa isa’t isa.


Mamaya, dahil wala namang pasok, gawa ng National Heroes’ Day, aasikasuhin ko naman ang puso ko. Itatanong ko na kay Dindee kung kami na. Sana ay may chance na magkasarilinan kami. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...