Followers

Sunday, August 3, 2014

Red Diary 152

School Uniform at Casual Wear

Itutuloy ko na ang kuwento tungkol sa Campus Personality 2014..

School Uniform Competition. Simple lang ang lakad ko. Pero, ang pakilala ko, astig!

"Sixteen. Tall. Handsome. Don't call me Redondo.. I'm Red. Red Canales. I'm your Mr. Campus Personality 2014!" Simple lang din. Short pero pinalakpakan at tinilian ng marami.

Nagbihis agad ako. Si Dindee, sinigurado niya na maayos ang buhok ko at suot kong casual wear. Naka-red checkered polo ako at tight black pants. Pinartneran ko ng plain white na bow tie. Pula din ang sapatos ko. Ang uso ngayon. Tapos, nagsuot ako ng reading glass na walang grado. 

"Pogi ng Red ko! Picture nga diyan." sabi ni Dindee, bago siya lumabas ng dressing room. 

Halos pare-pareho kaming naka-checkered. Si Nico lang ang naka-plain na polo. Pero, angat pa rin daw ako sabi ni Dindee. Nararamdaman ko na ang mataas na points mula sa judges. 

Naging inspired akong rumampa dahil maganda ang simula ko. Tapos, nakita ko pa sa audience si Mommy. Nauna lang si Daddy sa kanya. Naabutan ni Daddy ang school uniform competition. Si Mommy, sa casual na dumating. 

Masayang-masaya ako dahil pareho nila akong mapapanuod. Hindi nga lang sila magkatabing nanunuod. Pero, ayaos na. Ang mahalaga ay sinuportahan nila ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...