Hakot Award
May Saturday class kami kanina kaya ngayon lang ako nakapagsulat. Itutuloy ko na ang kuwento para matapos na.
Formal Attire Competition.
"Galingan mo, Red ang sagot para makalusot ka sa top 5.." bilin sa akin ni Dindee habang isisusuot niya sa akin ang coat ko.
"Oo..para sa'yo..gagalingan ko." Kinindatan ko pa s'ya. Tapos, inayos na niya ang tie ko. Naamoy ko siya sa sobrang lapit niya sa'kin. Sarap!
"Goodluck!" sabi niya. Hindi ko namalayan na natapos na siya sa ginagawa niya.
"Salamat! See you later.." Lumabas na si Dindee.
"Candidate number nine.. Redondo Canales!" tawag sa akin ng host. Ipinakilala din niya ang mga magulang ko. Nalungkot ako bigla. sana buo pa rin kami. Mas masaya sana akong rumarampa.
Pagkatapos kong rumampa,pinapili na ako ng host ng isang sobre na may tanong.
"Kung ikaw ang tatanghaling Mr. Campus Personality 2014, paano mo magagampan ang iyong title?" Iyan ang tanong na napili ko. Binasa ng host.
"Salamat po.. Kung ako ang magiging Mr. Campus Personality 2014, sa gabing ito mismo ay ia-apply ko na ang aking titulo sa pamamagitan ng pagpapakita sa inyong lahat ng aking kababaang-loob. Pasasalamatan ko ang lahat ng mga taong naging bahagi ng patimpalak na ito, gayundin ang mga taong tumulong sa'kin para makamit ko ang titulo. Ang pagkatapos nito, sisikapin ko namang maging isang mabuting ehemplo sa kpawa ko mag-aaral ng paaralang ito. Ang personality ko ay hindi ko babaguhin bagkus aking pag-iibyuhin upang ako'y lubos na makatulong sa aking Alma Mater. Salamat po!" Narinig ko ang palakpakan. Nakita ko din kung gaano natuwa sina Mommy, Daddy at Dindee.
Awarding of minor awards.
Most Photogenic. Best in Ethnic Attire. Best in Casual Wear. Best in Sports Wear. Best in Swim Wear.
Hakot award, sabi ng host.
Iyan ang mga nakuha ko. Sa wakas, napagsama ko sina Mommy at Daddy sa isang mahalagang okasyon sa buhay ko. Tinawag sila ng host para sabitan ako ng sash at samahan ako sa entablado. Halos, maluha-luha si mommy sa mga natanggap ko. Panay ang kiss niya sa akin. Si Daddy naman ay panay ang tapik sa balikat ko. "Good start, Red!" sabi pa niya.
No comments:
Post a Comment