Okay naman na ang pakiramdam ko nang magising ako kaninang alas-singko ng umaga. Masaya ko nang binati sina Dindee at Daddy. Nag-almusal kami ng masaya.
Nauna nga lang akong umalis ng bahay dahil maaga na naman ang training namin sa broadcasting.
Sa training namin, tinukso ako ng mga kasamahan ko kay Riz. Pati nga ang trainers namin ay nakikisali na rin. Bagay daw kami. Bakit daw nag-syota kami ng iba? Hindi naman kami parehong makasagot sa mga tanong nila. Panay lang ang ngiti namin.
Hindi na rin naman ako kinikilig kapag tinutukso kami. Last year pa kami tinutukso. Na-develop nga ako sa kanya. But this time, hindi na ako tinatalaban. Si Dindee na talaga ang nasa isip at puso ko. Tanggap ko na rin na si Leandro na ang masuwerteng nagmamay-ari sa kanya.
Naliligalig lang ako sa nalaman ko kahapon kay Roma. Sabi niya hindi naman daw talaga ng best friend niya si Leandro. Ginagamit niya lang daw siya para maipakita sa akin na hindi lang ako ang lalaki. Hindi ako nabigla dun. Mas nagulat ako nang gusto niyang tulungan ko si Riz na sirain ang relasyon ng dalawa dahil hindi mabuting kasintahan si Leandro. Masisira lang daw ang buhay at pag-aaral ng kanyang kaibigan kapag nagtagal sila.
Alam ko naman iyon. Nasa image naman ni Leandro ang pagiging manyakis, palikero at manloloko. Hindi nga si Riz karapat-dapat sa kanya.
Naligalig din ako kahit paano. Magkaibigan pa rin naman kami. Matagal na kaming magkaibigan. Marami din naman kaming pinagsamahan kaya ganun na lamang ang pagkaawa ko kay Riz.
Pag-uwi ko, ni-remind ko si Dindee na mahal ko siya at hindi ko siya lolokohin.
"Bakit ganyan ka ngayon, Red?"
"Bakit? Masama ba?"
"Hindi naman. Nanibago lang ako."
"Gusto ko lang malaman mo na..mahal na mahal kita.."
"Salamat.."
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment