Followers

Friday, August 1, 2014

Red Diary 148

Acting

Parang hindi yata ako nakatulog kagabi. Sobra ang excitement ko. Nauna pa akong nagising kaysa sa alarm ko. Sa aming tatlo, ako ang pinakaunang bumangon. Sa mga kaluskos ko yata nagising sina Daddy at Dinde.

"Good morning, Dad!" nakangiti kong binati si Daddy habang nagkakape na ako.

"Morning! Ang aga mo naman.."

"Di po.ako makatulog.. Kape na po. Pagtitimpla na kita."

"Sige.''

Mag-usap kami ni Daddy habang nagluluto siya ng almusal. Panay ang bilin niya sa mga dapat kong gawin, mga dapat gawin at di dapat gawin. Six na raw siya makakarating sa school. 

Maya-maya, nagising na rin si Dindee. Papasok daw muna siya tapos, diretso na siya ng school ko. 

Swerte ko talaga. Dalawa na agad ang supporters/fans ko.

Alas-sais, nasa school na ako. Dala ko na lahat ng mga susuotin  ko. Panay naman ang text ni Mommy. Nasa seminar daw siya kaya di siya makakapunta. Nalungkot ako, pero di ko masyado dinibdib para di ako maapektuhan sa pageant. 

Hindi na ako pumasok sa klase ko. Nakipagkuwentuhan na lang ako sa kapwa ko contestant. Wala doon sina Riz, Michelle at Leandro. Si Nico naman ay dumating after two hours. Kahit paano ay nabawasan ang kaba ko dahil sa guts ni Nico. Siya raw ang tatanghaling Mr. Campus Personlity 2014. First runner-up lang daw ako. Dami kong tawa. Lakas kasi ng self-confidence. Palong-palo daw ang talent niya. Nang tinanong ko, ang sabi: "Acting!" Mamatay-matay ako sa kakatawa. Astigin tapos iiyak daw siya. Artistahing bata!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...