Miyerkules. Simula ng first periodic test.
Bago nagsimula ang exam, na-bully muna ako ng mga kaibigan ko. Panay ang broadcast ni Rafael at Nico. Sabi nila: "Mr. Campus Personality 2014, binangasan ng karibal!'' Tawanan ang mga kaklase namin lalo na't namamaga pa rin ang panga ko.
Hindi na ako kumibo. Ngumiti lang ako. Ayoko ko kasing ipakitang napipikon ako. Saka, sanay na ako sa dalawang kumag.
Magsisimula na sanang i-distribute ni Mam Dina ang test paper sa Science nang mag-meet ang mga mata namin. "Red, I've heard about what happened yesterday.. Lumayo ka sa mga kagaya niya." sabi ni Mam. Tapos, hinarap niya si Riz. "Rizalina, I think, he's not meant for you.." Nakita kong yumuko lang si Riz. Tama naman si Mam.
Maaga akong umuwi. Hindi ko na hinintay sina Nico, Rafael at Gio. Sabi ko kasi may lakad kami ni Daddy. Ang totoo, ayokong magpatuloy sila sa pang-aalaska sa akin. Mabuti na rin talaga ang umiiwas.
Nag-review muna ako habang wala pa si Dindee. At nang dumating, nagkuwentuhan na kami. Kinumusta niya ang plano kong pagtagpuin ang mga magulang ko sa bahay namin.
"Hindi ko pa nasabi sa kanila. Unahin ko muna ang exam. Tapos, may broadcasting pa kami. Siguro pagkatapos nitong buwan.." paliwanag ko.
"Ikaw ang bahala. Hindi naman ako nagmamadali. Kumusta na ang pasa mo?" Sinipat-sipat niya ang panga ko, habang maingat niyang hinawakan ang magkabilang panga ko.
"Masakit. Kiss mo para mawala."
"Sampalin kaya kita nang lalong mamaga.."
"Joke lang naman."
"Lulusot ka pa,eh! Siguro, kaya ka sinapok ni Leandro dahil kiniss mo si Riz, no?"
"Hala! Hindi ah!"
Inalo-alo ko pa si Dindee pagkatapos niyon dahil nagtatampo. Bati na ulit kami..Haist! Ang mga babae nga naman..
No comments:
Post a Comment