Naalala ko kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko nang dalawa na lang kami na natitirang hindi natatawag. First Runner-up at Mr. Campus Personality 2014 na lang ang natitira. Automatic na pag ako ang napiling first runner-up, ang contestant number 3 na ang panalo.
Binitin pa ng host ang announcement. Nag-thank you muna siya sa mga tumulong, sa mga sponsors at mga judges. Sinabi rin niya ang mga taong aakyat sa entablado para igawad ang mga premyo at kung anu-ano pa. Ipinag-ready na rin ang mga magulang namin. Halos, umiiyak na si Mommy sa sobrang proud sa narating ko. Si Dindee, hindi na rin mapakali. Alam kong tuwang-tuwa rin siya. Si Daddy, itinatago ang emosyon, pero alam kong ganun din ang nararamdaman niya.
"The moment of truth.." banat pa ng host. "..we've been waiting for, the announcement of first runner-up for tonight's event. Candidate number.. number 3! Congratulations to Michael Pedro. Congratulations as well to our Mr. Campus Personality 2014, Redondo Canales."
Halos lumundag ako sa overwhelming moment na 'yun! Naiisp ko kaagad si Dindee. Hindi siya mawala sa paningin ko. Panay naman ang kuha niya ng shoots sa amin habang tintanggap ko ang mga premyo, sash, trophy, cash prize at kung anu-ano pa.
For the first time, pagkatapos ng mahaba-habang panahon, nabuo ko ang pamilya ko. Sa larawan nga lang. Gayunpaman, masayang-masaya na ako dahil katabi ko ang dalawang taong nagbigay sa akin ng buhay, ng pangalan at ng kagwapuhan. He he.
Umakyat din ang talent manager/judge upang kamayan ako. "Tawagan mo ako kaagad. May future ka, Red.." bulong niya sa akin.
"Salamat po, Sir! Hayaan niyo po, tatawagan ko po kayo. Thank you po ulit!"
No comments:
Post a Comment