Followers

Monday, August 4, 2014

Paano Ba Makapasa?




             Paano nga ba makakapasa ang isang mag-aaral?  Mayroon bang mga dapat gawin?
        Meron! Marami...
        Una. Makinig ka sa guro tuwing siya ay nagsasalita o nagtuturo dahil ito lamang ang paraan upang maunawaan mo ang leksiyon, maliban sa pagbabasa. Kapag ikaw ay nakinig ng mabuti, ikaw ay may mauunawaan, na magiging dahilan naman upang ikaw ay makakuha ng mataas na marka sa mga pagsusulit. Masasagutan mo rin ang mga katanungan ng iyong guro.
         Pangalawa. Sipagan ang pagpasok sa paaralan. Huwag kakalimutan na ang paaralan ay ang lugar ng karunungan. Dito kasi ibinibigay o hinuhulma ang edukasyon. Kapag may magandang edukasyon o kaalaman sa iyong ulo o kaisipan, ikaw ay makakapasa. Hindi lang pasa, kundi magkakamit pa ng mga karangalan.
         At, mag-aral ka nang mabuti. Hindi lang sa paaralan natututo ang isang mag-aaral. Hindi rin lang sa guro manggagaling ang kaalaman. Manggagaling ito mula sa iyong determinasyong matuto. Kahit sa sarili mong pagsisikap o tahanan ikaw ay matuto kung gugustuhin mo lang, lalo na ngayong nasa modernong panahon na tayo. Ang computer ay mabisang kasangkapan para matuto.
        Kaya, kung gusto mong pumasa, gawin mo ang mga ito. Kung ayaw mo naman, huwag ka ng pumasok sa paaralan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...