Hindi naman kami nagbiro ni Dindee kasi mukhang seryoso ma si Daddy. Nagkaproblema tuloy ako bigla sa challenge sa akin ni Dindee. Paano ko pa kaya maisasama si Mommy sa bahay kung may iba nang mahal si Daddy?
Nahalata ko rin na hindi pabor si Dindee sa pakikipagdate ng ama ko sa aking guro. Siguro ay naisip din niya ang Mommy ko. Siguro nakipagkuwentuhan na siya kay Mommy tungkol dito at malamang ang pati sa amin.
Kaaalis lang ni Daddy nang nagtanong si Dindee. "Kung ikaw si Tito o ikaw ang Daddy mo, gagawin mo ba ang ginagawa niya ngayon?"
Hindi ako agad nakasagot. "A-ah..depende.."
"Anong depende?"
"Depende sa sitwasyon. Kapag hindi ko na talaga mahal ang asawa ko, maghahanap na ako ng iba."
Nalungkot siya. Nilapitan ko siya at titingnan sa mata. Hindi niya ako tiningnan kaya hinawakan ko ang mga pisngi niya. "Huwag kang mag-alala, iba ako Kay Daddy. Ayokong maging broken family ang pamilyang bubuuin ko..natin."
Hinampas niya ako sa braso. "Ambisyoso! Magtapos ka muna ng pag-aaral bago mo isipin yan!"
"E, bakit ikaw!? Ikaw may pakana nito ah?"
"Ako ba? Hehe."
Nagtawanan kami hanggang sa umabot sa kilitian. Namiss ko siya kahapon kaya maghapon ko siyang inasar at pinasaya.
No comments:
Post a Comment