Kahapon, Sabado, umalis si Daddy. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta, pero, nakangiti siyang nagpaalam. Nagtinginan kami ni Dindee. Agad naming nahulaan na magdi-date sila ni Mam Dina.
Alas-nuwebe na ng gabi siya dumating.
Kami naman ni Dindee, nag-date din sa bahay. Nanuod kami ng horror movie sa cable. Ang sarap takutin ni Dinde. Panay kasi ang yakap sa akin. Natatakot daw siya. Di ko alam kong umiiskor lang o talagang totoo. Pero, enjoy naman.
Hindi ko lang alam kung hanggang kelan niya ako paghihintayin. Sobrang close na namin sa isa't isa. Ni hindi na kami makakain pareho kapag hindi kami magkasabay. Kulang na lang ay magsalo pa kami sa iisang plato.
"Mahal na mahal kita, Dindee. Sana sagutin mo na ako." sabi ko sa kanya kanina sa labas habang nagkakape kami.
"Salamat, Red! Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa akin.." Malungkot niyang sabi.
"Bakit?"
"Kasi wala akong barya! Boom panes!" Humagalpak siya ng tawa.. Andami ko ring tawa. Dalawang kilo. Akala ko ay seryoso..
Hindi ko napigil ang sarili ko. Nilapitan ko siya at inipit ko siya sa mga braso ko. Kiniliti ko rin siya. "Kaw..niloloko mo ako lagi, ha.."
Nagpupumiglas siya sa pagkikiliti ko. "Tama na!" Tawanan kami.
"Papatayin kita sa kiliti.."
"Sige, try mo.. Di mo na ako magiging girl friend.."
"A, hindi na pala.." Tawanan uli kami.
Ang kulit ni Dindee.. Nawala ang antok ko.
No comments:
Post a Comment