Ninoy Aquino Day. Whooah! Walang pasok.. pero, nasa school ako maghapon. Nag-practice kami ng Pandango Oasiwas. Tapos, sabay-sabay kaming pumunta sa Baclaran para bumili ng costume. Nakakapagod!
Masaya sana ang practice namin kung wala doon si Leandro. Grabe! Bantay-sarado niya si Riz. Akala niya ay aagawin ko sa kanya ang girlfriend niya.
Ang resulta, pareho kaming di makaporma ni Riz. Hindi siya makapagkulit gaya ng dati. Hindi na nga siya makatawa. Hindi na siya ang Riz na kilala ko. Parang hindi naman maganda ang resulta ng pagkakaroon niya ng syota. Naging malungkot siya. Kung naging kami sana, lagi kaming masaya at nagtatawanan. Na-miss ko tuloy ang pagiging makulit niya. Pero, huli na ang lahat.
Pag-uwi ko, wala si Daddy. Hindi niya ako tinext. Pero, nagpaalam daw kay Dindee. May pupuntahan daw siyang kaibigan. Di sinabi kung sinong kaibigan. Ang hula namin ni Dindee ay si Mam Dina.
Sinamantala ko naman na wala siya para matawagan si Mommy. Okay na pala ang cellphone ko. Nag-charge na. Na-drain lang pala ng husto..
"Hello, Mommy?"
"Hello,Red? Kumusta ang practice niyo?"
"Ayos lang po. Nga po pala, may ipapakiusap po sana ako sa'yo.."
"Ano yun anak? Costume ba?"
"Hindi po yun. Nakabili na po ako kanina.. Kasi po, si Dindee.." Tiningnan ko muna si Dindee. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya. Tapos, nag-sign na ituloy ko lang. "...Hindi daw po nya ako sasagutin kapag hindi po kayo nagkabalikan ni Daddy.."
Natawa si Mommy. "Malabo yan, Nak! Iba na lang kamo.."
"Kahit po, pumunta lang po kayo dito. Dito daw po kayo matulog.. Sige na po, Mommy.. please."
"Mahal mo na ba talaga si Dindee o gusto mo lang kami magbalikan ng Daddy mo?"
"Pareho po.."
Natawa uli si Mommy. "Sige na, Mommy.."
"Pag-isipan ko, Red. Ang hirap ng challenge, e. Give me 24 hours para mag-isip."
"Sige po.. Tawagan uli kita tom, ha? I love you! Bye!"
"Bye! I love you, too!"
Nakahinga ako ng maluwag. Halos, gusto ko nang yapusin si Dindee sa tuwa. Alam ko kasi na pumayag na si Mommy. Nagpapakipot lang
No comments:
Post a Comment