Paco Church
Na-stress ako sa school, kaya naisipan kong mag-unwind. Tinext ko si Dindee na magkita kami sa Paco Church, o ang dating libingan ni Jose Rizal. Gusto ko kasi ng solemn na lugar. Dumating naman siya within 30 minutes. Malapit lang naman ang bahay namin doon.
Nakauniporme pa rin ako. Okay lang. Ang mahalaga ay makakasama ko ang babaeng tinatangi ko.
Natext ko naman si Daddy kung saan kami.
Doon, magkatabi kaming naupo sa itaas ng mga nitso na ginawang daanan upang maikot ang circular church. Mangilan-ngilan lang ang mga namamasayal kaya halos solong-solo namin ang lugar.
"Kelan mo ako sasagutin, Dee?" tanong ko, habang nakasandal siya sa balikat ko at habang naglalaro kami ng aming mga magkahawak na kamay.
"Huwag tayong magmadali, Red.. Gusto mo bang mahinog sa pilit ang relasyon natin?"
"Ayaw ko. Kaya lang para ano pa't maghihintay tayo ng panahon kung pwede naman ngayon?!"
"Hindi ka ba masaya at kuntento sa ganito?" Tiningnan niya ako.
Hindi ako agad nakasagot. "M-masaya.. Gusto ko kasi..."
"Huwag ka nang magpumilit, Red. Hindi naman kawalan sa kapogian mo kung maghintay ka, di ba?"
Tumango lang ako.
"Basta, ang gusto ko lang..wala kang ibang mamahalin kundi ako.. At hindi ko pa iyon nakikita sa'yo ng 100%.. Meron ka pang ibang iniisp at tinitingnan.."
Hala! Alam niya..
Pero, nagkakamali siya.. Siya na lang ang gusto kong mahalin..Unti-unti ko na kasing nililimot si Riz..
Nang makabawi ako, sabi ko; "Gusto ko, dito tayo ikasal.."
Siya naman ang naging speechless.
No comments:
Post a Comment