Followers

Saturday, August 30, 2014

Ice Bucket Challenge: Susubok ka ba?

Pagpapansin nga lang ba ang ice bucket challenge o isang paraan para makatulong?

Anuman ang sagot diyan dapat pa rin nating alamin ang pinagmulan nito. Hindi dapat na subukan ang isang bagay kung hindi sigurado sa kahihinatnan nito sa sarili o sa iba sapagkat ang bawat aksyon ay may kasunod na reaksyon.

Ang Ice Bucket Challenge ay unang nauso sa Amerika nang si Pete Frates, isang manlalaro ng baseball sa Boston College na may Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS) ay nagbuhos ng malamig na tubig sa isang tao at naghamon pa ng isa. Ang video ng kanilang ginawa ay pinost niya sa social media hanggang ito ay makakuha ng atensiyon at sumikat.

Si Frates ang pasyente ng ALS na ginantimpalaan ng Stephen Heywood Pateints Today Award noong 2012 dahil sa kanyang fundraising advocacy and works.

Nakakatulong!

Dahil sa patuloy na pagsikat ng ice bucket challenge, hindi lang ito sa America pumapatok, kinababaliwan na rin ito ng mga Pilipino. Ang mga artista, mga TV personality at mga pulitiko ay kinakagat ang hamon ng iba. Meron din namang hindi sumubok sa hamon.

Si Rodrigo Duterte, mayor ng Davao City, ay tumanggi sa hamon ni Sec. De lima noong Agosto27, 2014 dahil kalalabas pa lang daw niya sa ICU dahil sa pneumonia. Titingnan daw niya kung magkano ang maido-donate niya. Nagbiro pa siya: "Susmaryosep! Ayaw ko nga ng isang baso. Ligoan mo ako ng isang baso, magpatayan na tayo,"

Tama naman ang ginawa niya. Hindi siya pumasok sa isang gawain na hindi niya alam ang kahihinantnan. Maaari naman siyang magbigay ng hindi isinasakripisyo ang kapakanan.

Nakakatuwa! Nakakabilib!

Pero, para sa iba.. Ewan! Ni hindi nga alam ang sakit na ALS. Basta na lang magbubuhos o magpapabuhos ng nagyeyelong tubig. Para ano? Para sumikat sa social media? Well, sisikat ka nga, tanga naman ang tingin sa iyo ng iba! Hindi ka naman celebrity.  Oo nga, pati ang pangulo ng USA at ang may-ari ng Facebook ay kinagat na ang hamon, pero may pera sila na kayang ipampagamot sa kanila, sakaling may aberya pagkatapos ng challenge.

FYI: Ang  ALS ay isang motor neurone disease (MND) na tinatawag ding Lou Gehrig's disease. ANg taong may ALS ay nahihirapan sa paglulon ng pagkain, sa paghinga, sa pagsasalita at sa paggalaw dahil pinapahina nito ang muscle ng pasyente. Hindi ito nagagamot, kaya nakakamatay. Ang pasyenteng nakakaranas nito ay parang patay na rin ang pakiramdam.

Nakakatakot!

Kaya, kung ikaw ang susubok ng ice bucket challenge, pakaisipin ng maigi. Makakatulong ka ba o mapapasama ka? Kung hindi ka naman makakatulong, malamang magpapansin ka lang.
          

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...