"Sandali lang. Check ko lang ang mga bike.."
"Samahan na kita. Paalam din tayo sa Daddy mo."
"Tara.."
Hindi naman kumontra si Daddy. Pinag-ingat na lang kami.
Sa pinakamalapit na kalsada lang kami lumibot-libot. Hindi na kami lumayo. At nang mapagod kami, nagpahinga kami sa street gutter.
Pinunasan ni Dindee ang pawis ko. Nakalimutan kong magdala ng bimpo kaya nag-share kami sa dala niya. Ang bango pa rin ng pawis niya.
"Sana may bike ako na may sakayan o upuan sa likod.." turan ko, pagkatapos naming magtanggal ng pawis.
"Bakit?"
"Para maisakay kita. Hindi ka na mahihirapang mag-pedal. At para, nakahawak ka sa akin. Parang yung sa Koreanovela."
Natawa si Dindee. "Namiss ko tuloy ang motor ko sa Aklan."
"Sino na ang gumagamit nun?"
"Si Mommy."
"Ah.. Mabuti kung ganun kasi masisira kung di ginagamit."
Marami pa kaming napagkuwentuhan ni Dindee habang nagpapahinga. Isa na dito ang pagpunta niya kay Mommy. Inamin niyang nagtapat siya na may something sa amin. Natuwa daw si Mommy dahil siya ang magiging girlfriend ko.
Hindi naman niya sinabi na may challenge ako sa kanya. Pero, ang hula ko, sinabi niya.
Nag-bike uli kami. Inabutan kami ng alas-sais sa kalsada. Bago naman dumilim ay nasa bahay na kami.
"Salamat, Red sa pagsama sa akin."
"Welcome. No problem. Basta ikaw, kahit ano, gagawin ko. Kahit saan, sasamahan kita."
Kinurot niya ako sa tiyan. Dinukwangan ko naman siya at kinulong sa braso ko. Nakita kami ni Daddy nang lumabas ito.
"Dad, bagay po ba kami?"
Napangiti si Daddy. "Pinupuwersa mo yata si Dindee, e"
Magsasalita sana si Dindee, pero nai-krus ko sa mga labi niya ang hinlalaki ko. Naipailing-iling lang si Daddy. Saka siya lumabas ng bahay. Hinampas-hampas naman ako ni Dindee ng kanyang bimpo, tapos nagpahabol ako hanggang sa kuwarto ko.
Tawa ako ng tawa nang di siya makapasok sa kuwarto ko.
Ang kulit.
No comments:
Post a Comment