Followers

Monday, August 4, 2014

Red Diary 154

Upload



Lunes. Naghihiyawan ang mga kakaklase ko ng pumasok ako. Congratulations daw. Tapos, tinukso pa kami ni Riz. 

Hindi ako kumibo tungkol sa tukso sa amin ni Riz. Si Romeo ang nagsalita. "Tumahimik kayo! Taken na si Riz, noh! Wag niyo silang tuksuhin.. Kami ni Red ang tuksuhin niyo.." Tumawa pa siya.

"Wag na lang! Mananahimik na lang kami.." Si Nico ang bumanat.

"Tumahimik ka. Shut your filthy mouth.."

"Ano kamo? Filthy? Mas mabaho nga yang bibig mo kasi kung anu-ano ang sinusubo!" Asar na si Nico.

"Kaya pala ni runner-up di ka nanalo.. Now I know kung bakit.." ganti ni Roma.

"Tumahimik na kayong dalawa. Bakit napunta sa ganyan?" awat ko sa kanila. Natahimik tuloy sila.

Uwian. Sinekreto ko si Gio na magkita kami sa Chowking kasi ililibre ko siya ng merienda, as blowout ko sa kanya. Siya lang ang gusto kong i-treat.

Habnag kumakain kami. Tinanong niya ako kung si Riz na ba talaga at ni Leandro. Hindi ko alam, ang sabi ko. "Bakit?''

"Hindi kasi ako naniniwala na sinagot ni Riz si Leandro. Hindi niya type yun.." sabi pa ni Gio. Seryoso. 

Napaisip ako. May point si Gio. Baka nga tama ang conclusion niya. Naisip ko din na ano naman ang pakialam ko sa kanila.. Pero, naintriga ako. Gusto ko ring malaman.

Sa bahay. Naabutan kong nag-a-upload ng pictures ko sa pageant si Dindee. Pinili niya ang mga pictures na kasama ko siya. Then, pinagamit niya ako ng internet niya para mai-upload ko naman ang mga pics ko. Ang gaganda ng shots niya. Ang linaw. Sabi nga ni Daddy, pwede na raw akong model..

"Model ng ano po, Dad?" Tumawa ako. "Model ng mothballs?"

"Pwede rin. he he"

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...