Hindi ako sanay na may kasama sa bahay, pero, sisikapin kong maging
maganda ang samahan namin ni Lianne. Kahit nabawasan na ang pagmamahal ko sa
kanya, gusto ko pa ring ipakita sa kanya ang dapat, lalo na ngayong siya ay
nahaharap sa krisis-pinansiyal. Gusto ko pa rin siyang tulungan. Gagawin ko ang
lahat para makatapos siya.
Umalis na si Paulo. Hahakutin daw niya ang mga gamit at damit ni Lianne sa
dati nitong boarding house. Gabi na siya makakabalik. Hindi na niya pinasama ng
kaibigan dahil puyat daw ito. Natuwa naman ako sa concern niya. Natuwa din ako
dahil masosolo ko si Lianne.
Nagkuwentuhan kami. Grabe daw ang kagipitan niya ngayon dahil nga sa
pagpapagamot ng kanyang ama. Naawa ako sa kanya, kaya inilahad ko sa kanya ang kagustuhan
kong tulungan siya. Nahihiya man daw siya ay tatanggapin na niya, dahil gusto
rin niyang makatapos ng pag-aaral.
"Hayaan mo.. Hector, masusuklian ko rin ang mga kabutihan mo,
pagdating ng araw." sabi ni Lianne.
"Huwag mo munang isipin 'yun. Ang mahalaga, makatapos ka..."
"Oo.. sisikapin ko. Biyaya ka ng Diyos sa akin.."
Napangiti niya ako. Ngumiti din siya. "Salamat! Wala naman
akong hinihinging kapalit mula sa'yo.. Tanging ang pagpupursige mo lang at
katatagan ang hiling ko sa'yo. Ipangako mo rin lang na magiging matapat ka sa
akin..."
Napayuko si Lianne. Alam niyang may pinupunto ako..
Alam ko, may mabigat na dahilan ang pabigla-bigla niyang pagtira sa
akin. Handa akong alamin ito..
No comments:
Post a Comment