Followers

Thursday, August 7, 2014

Red Diary 158

Bench

Walang gaanong leksyon ngayon. Next week kasi ay first grading test na namin kaya nagre-review lang kami. Nakapagsulat  tuloy ako.

Tuloy ko na ang kuwento para matapos na..

Swim Wear Competition na. Hindi gaya ng mga nauna, na mabagal ang lakad at matagal ang exposure, ang swim wear competition ay kailangang mabilis. Hindi kasi pwedeng magtagal ang candidate ng matagal sa stage. Isa pa, partner-partner na ang pagpasok at paglabas. 

Nang lumabas kami ni Michelle, isang matinding sigawan ang narinig ko. Hindi ko alam kung para kay  Michelle iyon o sa akin. Basta ang alam ko, so hot ang paglabas namin. Sobrang sexy din ni Michelle. Hindi siya kaputian pero lumabas ang hubog ng katawan niya. Hindi ko alam na parehong pula ang suot namin. Para tuloy kaming ini-sponsor-an ng Bench. He he. 

Bago kami lumabas, ginawa ni Michelle ang pinag-practice-an naming pakulo. Inikutan niya ako habang humahawak sa balikat ko. Hiyawan ang audience. "Bagay kayo!" Narinig ko.

Nang nakapagrampa nang lahat, lumabas uli kami. Nakita ko ang mga suot ng mga kalaban ko at ng mga miss. Grabeng hot ng entablado! Tindi ng laban.. Si Riz..sobrang sexy. Nakaka-ano.. Grrr! Sana kami na lang partner. Suwerte ni Leandro.

Tuwang-tuwa si Dindee habang tinutulungan akong magsuot ng formal wear ko para sa preliminary question ang answer. "Tindi ng appeal mo, Red! Nakakaselos.." sabi pa niya.

"Hayaan mo na. Di naman nila ako makukuha sa hiyaw lang.." sagot ko. Tapos binulungan ko siya. "Iyong-iyo lang ako.."

Kinurot niya ako ng pinung-pino. "Bababero ka naman, e. Nakita ko ang haplos sa'yo ni Michelle.."

"Pageant lang, walang personalan.." Nginitian ko siya ng nakaka-inlove. Umikot ang mga mata niya. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...