Paglabas ng matrona, saka naman ang pagdating nina Lianne at Paulo.
Akala ko ay bumalik ang customer ko, na hindi nagpakilala. Nagulat ako sa
pagdating nila. Ni hindi ako nagpapagbihis. Nakatapis lang ako ng tuwalya.
"O, napadalawa kayo? Kumusta?" bati ko sa kanila,
habang pinagbubuksan ng pinto.
"Ah oo, may sadya kami sa'yo.." si Paulo ang
sumagot.
Pinaupo ko muna sila. Tinangnan ko pa ang orasan. Alas siyete pa
lang.
"Sandali lang magbibihis ako."
"Wag na. Mabilis lang kami.." si Paulo ulit. "Di
ba sabi mo...pwedeng tumira dito si Lianne ng libre?"
Nakatayo pa rin ako sa harap nila. Hindi na ako nahiya sa kahubdan ko.
"Oo!" mabilis kong sagot. "Pwedeng-pwede ka
dito, Lianne." Tiningnan ko sa mata si Lianne. Malungkot siya.
"Salamat! Naubusan kasi ako ng budget. Hindi ko na kaya ang
trabaho. Maghahanap ako ng bago. Hindi ko kaya ang graveyard shift.."
"Walang problema. Basta ikaw, open ka dito. Sana dinala mo na ang
mga gamit mo.."
"Babalik na lang kami. Two days pa naman ako sa space ko. Hindi na
ako makakabayad kaya.. heto.. Salamat talaga, Hector."
"Wala ‘yun. Masaya nga ako. Magkakasama na tayo." Tiningnan ko si
Paulo. Parang ngumiti ang mga mata niya sa kilig.
Hindi ko akalaing mangyayari ito. Ang babaeng minamahal ko, makakasama
ko na sa bahay. Masaya pero malungkot dahil sa katotohanang isa siyang puta, na
gaya ko.
No comments:
Post a Comment