Inabot kami ng hatinggabi sa pagkakantahan kaya alas-9 na ako nagising. Si Dindee, alas-otso daw bumangon. Nakapaglaba na siya. Naabutan ko nga siya sa labas na nagsasampay.
Ginulat ko siya.
"Red naman, e. Lagi mo na lang akong ginugulat. Gusto mo bang bawiin ko lahat ng points mo?"
"Sorry na. Wag mo namang bawiin. Pinaghirapan ko ang mga yun." Nginitian ko pa siya at nag-pogi sign pa ako.
"Naku! Kung mamalasin nga naman ang umaga mo.. Hmp!"
"Sinong Mang Kulas?" biro ko.
"Wala! Asar ka.. Tulungan mo na lang kaya akong magsampay."
"Sige. Basta, gawin mo nang 300 points ha?!"
"Wag na nga lang. Ang laki naman ng kapalit." Binawi niya pa ang damit na kinuha ko para isampay.
"Joke lang. Tutulungan na kita.."
"Ang sarap mo talagang.."
"Talagang masarap ako.." Tumawa pa ako ng nakakaasar.
"Tito Joaquin, si Red po o, nambabastos.." kunwari niyang sumbong, pero mahina.
Mas lalo akong natawa. Namula naman sa inis ang mahal ko. Ang sarap paiyakin.
No comments:
Post a Comment