Ang saya ko kahapon, sa kabila naman ng kalungkutan ni Mam Dina. Masaya din akong makitang nakapasok na rin si Leandro at nakakuha ng special exam. Gayunpaman, inilayo ko ang sarili ko kay Riz. Ayoko na ring maulit ang mga nangyari. Kasi pag naulit pa, manlalaban na rin siguro ako.
Alas-sais na ako nakauwi kasi nag-practice kami ng mga kaklase ko. Sasayaw kami bukas, Friday, sa school. May patimpalak sa pagsayaw para sa Buwan ng Wika.
Hindi na ako pumayag na i-partner sa akin si Riz. Mahirap na, baka pagselosan na naman ako.
Pag-uwi ko, ang sakit sa loob kasi di ko ma-on ang cellphone ko. Ayaw ding mag-charge. Di tuloy ako nakapag-Wattpad at nakapag-FB. Andami ko pa namang dapat i-update at i-upload. Kaya, nanuod na lang ako ng TV kasama sina Daddy at Dindee.
Panay ang tinginan namin ni Dindee. Parang gusto niya akong makausap. Kaso, wala kaming chance. Hindi ko rin naman siya mai-text dahil nagloko nga ang cellphone ko. Kaya, siya ang gumawa ng paraan. Kunwari nagpatulong siya sa assignments niya. Pumuwesto kami sa dining table kung saan malayo si Daddy.
Pinagbulungan namin ang tungkol kina Daddy at Mam Dina. Natuwa si Dindee. Chance ko na raw para buuin ang pamilya ko.
No comments:
Post a Comment