Followers

Wednesday, August 6, 2014

Red Diary 156

Dalawang Pulgada

Nag-meeting kaming officers ng SSG, bandang alas-dos ng hapon. Napag-usapan namin ang mga proyekto namin. Una, tatanggap kami ng tutorial. Ang mga gustong magpatulong sa kanilang studies ay maaaring lumapit sa ilan sa amin, since kalahati sa amin ay mga honor students. Maghahanap din kami ng mga willing na student na maging tutor sa mga magpapaturo, lalo na sa Math. Maglalagay kami ng announcement sa mga bulletin boards para sa dalawang ito.

Gusto rin naming magsimulang magkaroon ng "Gulayan sa Paaralan" at "Medicinal Garden'' sa likod.

Marami pa kaming plano, pero hindi pa namin ikinasa dahil kailangan ng approval ng principal, gaya ng pagkakaroon ng "Palarong Pinoy" ngayong Buwan ng Wika. Nang kinausap namin ang aming SSG adviser, baka hindi daw maaprubahan dahil planado na ang mga contests para sa Agosto. 

Naiisip ko na sumali na lang ako..

Nakauwi ako sa bahay ng bandang alas-kuwatro ng hapon. Tulog si Dindee, pero bukas ang pinto ng kuwarto niya. Nagdahan-dahan ako sa pagkilos ko para di ko siya maistorbo.

Pagkabihis ko, binalikan ko siya sa kuwarto niya. Tulog pa rin siya, kaya malaya akong pagmasdan ang maganda niyang mukha. Hindi ko siya sinisilipan, huh?! Basta may kung ano lang ang pumasok sa isip ko kaya ko siya gustong titigan.. Gusto ko na rin siyang hagkan, pero bawal..

Gayunpaman, nilapitan ko siya. Dinukwangan. Halos, dalawang pulgada na lang ang layo ng mga labi namin. Hindi ko ginawa. Tiyak ako, magagalit siya. Pag napasama pa, back to zero na ang points ko.

"I love you, Dindee." bulong ko, habang inilalayo ko ang labi ko sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...