Followers

Saturday, August 23, 2014

Selfie-lipinas



     Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka nagse-selfie, dahil usong-uso na sa panahon ngayon ang salita o gawaing iyan. Ito na nga marahil ang pinakasikat at pinakakontrobersiyal na salita sa ika-dalawampu’t isang siglo.

     Sa katunayan, idinagdag na ito Oxford Dictionary. Tinawag na rin itong word of the year kamakailan lang. Isang patunay na malayo na ang narating ng ‘selfie’. Sa Pilipinas man at saan mang sulok ng daigdig ay may nagse-selfie.

     Ang mga Pinoy ay numero unong suki nito. Ayon nga sa Time Magazine ang Makati City at Pasig City ang “Selfie Capital of the World dahil mayroong 258 selfie-takers sa bawat isandaang libong tao. At hindi lang ‘yan! Pumasok din ang Cebu City sa ikasiyam na puwesto sa 100 siyudad nan i-rank ng Time. Ito kasi ay may 99 selfie-taker per 100,000 people. Ibig sabihin nito, sikat ang Pilipinas pagdating sa selfie-han.

     Kaya nga kahit ang mga artista, pulitiko at kahit ang Santo Papa ay nag-selfie na. Teen-ager, bata at matanda ay totoong mahilig sa selfie. Nakakatuwa naman kasing kuhaan ang sarili ng larawan. Nakakawala ng stress, lalo na kapag agad mo itong maipo-post o maia-upload sa Facebook, Twitter o Instagram. Instant celebrity agad ang dating ng nag-selfie kapag maraming likes and comments ang matanggap niya pagkatapos i-post.

     Si US President Barack Obama nga ay nag-selfie kasama ang Prime Minister ng Malaysia at high school volunteer ng Arkansas noong libing ni Nelson Mandela.

     Nakiki-selfie rin ang kanyang First Lady lalo na’t isinusulong niya ang kampanyang “Love Your Selfie”.

     Kontrobersiyal din ang selfie ni dating US President Bill Clinton kasama si Bill Gates ang isa sa pinakamayamang tao sa mundo.

     Samantalang ang Prime Minister na si Kevin Rudd naman ng Australia ay nag-selfie na may tissue sa pisngi matapos masugatan sa pag-aahit.

     Kasabay ng pagsikat ng selfie ay ang pagsikat ng iba’t ibang selfie styles gaya ng duck face, pouty lips, selfie with baby powder sa cheeks, group selfie, selfeet at make-up transformation. Ilan lang ito sa mga halimbawa ng pagiging malikhain nating mga Pilipino. Kaya nga, naimbento na rin ang selfie stick monopod, o monopod o selfiepad. Sa kagustuhan nating maging malawak ang sakop ng camera ay gumagamit tayo nito. Mapamaraan talaga tayo.

     Ginamit na rin ito ng mga compositor para gumawa ng kanta. May kantang “Selfie Song. Mayroong ding “Anti-selfie Song. Pati nga sa pelikula at TV shows ay aptok na patok ang selfie. May “Selfie” the movie. May “Selfie” TV series.

     Hindi na nga natin mapipigilan ang pagsikat ng selfie.

     Sa kabilang banda, ang selfie ay may negatibong bahagi. Kung labis naman ang pagtangkilik natin sa usong ito, ito ay ating ikakapahamak. Napabalita nga na may estudyanteng naaksidente matapos mag-selfie. Para din kasi itong driving while texting.

     Pero ang nakakalungkot at pati sa mga pribadong gawain ay ginagmitan natin nito. Scandal is a form of selfie, di ba? Bakit pati ang pakikipagtalik ay kailangang selfie?

     Mali.. Hindi maganda.

     Kung magse-selfie tayo, gawin natin itong nakakatuwa at nakakaaliw upang ang titulo natin ay mapanatili nating maganda ang katuturan.

     Kung mase-selfie lang tayo bilang katuwaan, ayos lang yun. Pero para magpasikat, nakakaurat nay un, gaya ng isang babae noon na nag-selfie pa habang may nasusunog sa kanyang likuran at isa pa, habang may naaksidente sa kanyang tagiliran.

      Huwag nating kalimutan ang pinagmulan ng selfie.

      Ang selfie ay nangangahulugang pagkuha ng litrato ng walang ibang taong pipindot sa camera, kundi ang sarili o gamit ng timer. Ito nga ay unang ginawa ni Robert Cornelius, isang Amerikanong litratista.

     Kaya kung hindi ganito ang intensiyon ng selfie natin, taliwas iyan sa orihinal na selfie. Isa ka na lang makasariling nilalang dahil ang layunin mo lang ay sumikat sa social media.


      Ang selfie ay bahagi na ng ating pamumuhay. Sino ang ayaw mag-selfie? Sino ang hindi pa nakapag-selfie? Wala! Lahat tayo ay marunong, kundi man, mahusay mag-selfie. Sana man lang, alam din natin ang spiritual selfie.  Sa panahon kasi ngayon, kailangan na nating kabitan ng spiritual ang selfie. Marahil ay dagdag na natin sa selfie styles ang spiritual selfie. Huwag na lang nating idagdag ang Anti-Selfie Law upang patuloy nating ma-enjoy ang pagse-selfie at makilala tayo bilang “Selfie-lipinas”.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...