Followers

Friday, August 1, 2014

Red Dairy 149

Mr. Campus Personality 2014


Alas-onse na ng gabi natapos ang pageant. Sobrang pagod ko, pero sulit naman. Ako kasi ang Mr. Campus Personality 2014. Sulit talaga! 

Dahil sobrang antok at pagod ko na, gusto ko ng matulog. Hindi na ako makakapagkuwento ngayon. Bukas na lang ako magsusulat. Andami kong dapat ikuwento tungkol sa pageant at sa pagkakapanalo ko, kaya lang hindi na talaga kaya ng mata ko. Gusto ko pa nga sanang makipagkuwentuhan kay Dindee kasi parang may gusto siyang sabihin sa akin kanina. Hindi lang natuloy dahil kay Daddy. Mabuti na lang Sabado na bukas, maghapon kaming magkasama.. 

Ang laki ng nagawang tulong sa akin ni Dindee. Hindi ko siya pwedeng hindi pasalamatan at i-treat bukas, as pasasalamat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako mananalo sa Ethnic Attire. Dahil din sa kanya, marami ang nagandahan sa composition ko. At dahil dun, ako ang pinaka-talented sa lahat. Kung hindi din sa mga pagtulong niya sa akin sa pagbibihis, hindi ako maa-award-an as Best in Swim Wear at Best in Sportswear.  Ang pinakamaganda, ang title ko. Dahil ito sa inspirasyon na ibinigay niya sa akin. 

Pero, alam ko, kukurot-kurutin niya ako bukas dahil nakita niya kung paano ako hawakan sa dibdib at balikat ni Michelle sa aming prod number.  Sana lang hindi naman niya silipin ang pagkakapanalo ni Riz as Ms. Campus Personality 2014. Hindi naman ang ang nag-judge. malay ko bang pareho kaming mahusay.. 

Sana, hindi niya iyon ikinaselos...

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...