Followers

Thursday, August 21, 2014

Sino Ako? 6

Sino ako?


Dati isa akong napakaimportanteng bagay sa mundo. Bawat isa ay pinahahalagahan ako. Kinikilala ako at isinasama sa kanilang tagumpay.

Ngunit bakit ngayon, balewala na ako!?

Umunlad lang tayo ng kaunti at nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya ay kinalimutan na ako. Binalewala. Iniwanan. Hindi na ako isinama sa inyong pag-aaral. 

Anyare?!

Natalo ako ng Facebook. Lahat na lang kayo, ito na ang inyong gusto. Ni bisitahin ako sa aking silid ay di niyo nagagawa. Samantalang ako ang orihinal na pinagmumulan ng impormasyon at kaalaman ninyo.

Nakakasama sa loob..

Hindi ko masisisi ang mga manunulat kung bakit nagkakaubusan na sila. Wala na kasing pumapansin sa kanilang nilalang.

Isa nga lang akong papel, pero ang edukasyon ay nakakabit sa akin. 

Sino ako?

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...